Chapter 14
Chapter 14
NAHINTO sa pagsusuot ng suit si Alexis nang mapaharap sa salamin at makita ang kanyang anyo.
Bakas ang hindi matatawarang kabiguan sa mga matang nakatitig sa kanya nang mga sandaling iyon.
Mula noon hanggang ngayon, ganoon pa rin ang pakiramdam niya. Talunan.
"So you're still not going to work under my son's architectural firm? Ano ba'ng ipinagmamalaki mo? Na
nakatapos ka na? It's still a wonder to me, though, Alexis. Ano'ng ginawa mo para maka-graduate ka
na may ganoong kataas na grado? That's a shame. Ang akala ko pa naman ay hindi nababayaran ang
mga professors sa Saint Gabriel Academy. Anyway, just a reminder, don't fly too high, Alexis. Para
kapag bumagsak ka, hindi gaanong masakit. And that Ferrel girl you're with? She will grow tired of you
one day. No one will truly stay in your life. Dahil sabi mo nga, magkatulad lang tayo. We're both a piece
of shit. Then and now," parang tuksong bumalik sa isip ni Alexis ang mga sinabing iyon ng kanyang
ama ilang taon na ang nakalilipas.
"A piece of shit." Pinagmasdan niya ang sarili. Sa nakalipas na halos siyam na taon, sinikap niyang
iangat ang sarili. Dahil ginusto niyang patunayan sa kanyang ama na mali ito ng akala, na hindi sila
magkatulad. Na hindi siya basura kumpara sa mga ipinagmamalaki nitong anak. Hindi siya huminto sa
pagtatrabaho.
Tuwing gabi pagkahatid niya kay Diana, bumabalik pa siya ng opisina at aalis na lang doon sa umaga
para maligo at magpalit lang sandali sa kanyang Unit pagkatapos ay saka niya susunduin si Diana at
saka siya dederetso uli sa kanyang opisina. Ang naging pagsunod niya rito sa Italy sa loob ng halos
anim na buwan ay ang kauna-unahan niyang naging bakasyon.
Nang magkaroon siya ng sariling architectural firm, hindi pa doon natapos ang lahat. Lalo pa siyang
nagsumikap. Lumago nang lumago ang firm sa pagdaan ng taon. At sa unti-unti niyang pag-angat,
sinugod pa siya ng ama at pinagbintangang sinasadya niyang sulutin ang mga kliyente ng panganay
nitong anak. Natanggap niya na kahit kailan, wala siyang gagawin sa buhay niya na magugustuhan ng
kanyang mga magulang.
Nang magkaroon siya ng sariling Unit, iniwan niya na ang kanyang ina sa mansiyon na binili rito ng
ama tutal ay wala na roon si Manang Renata. Umalis na ito at sa probinsiya na tumira isang taon
matapos niyang maka-graduate sa kolehiyo.
Hindi siya pinigilan ng ina sa pag-alis. Mula noon, wala pa siyang naririnig na balita mula rito. At mas
maigi na rin siguro iyon kaysa ang magkasamaan lang sila ng loob sa oras na makabalita sila sa isa't
isa. Lahat ng tao sa paligid niya ay nakasanayan niya nang walang pakialam sa kanya. Nakasanayan
niya nang iniiwan siya, na binabalewala. Na kahit nasa tabi siya ng mga magulang ay hindi siya
nakikita, hindi naririnig, hindi nararamdaman.
He had been invisible all his life. But someone saw him for the very first time. It was Diana. Nakita nito
hindi lang siya kundi pati ang puso niya. Pero mukhang tama ang ama. Sadyang walang nakatakdang
manatili sa buhay niya. Dahil mula noon hanggang ngayon, walang nagbago.
"Because you're still a piece of shit, Alexis. You're a bastard. Fuck. You're weak! And I hate you! I hate
you so damn much!" Sigaw niya sa sariling repleksiyon. Sunod-sunod na sinuntok niya ang salamin
kasabay ng pagsabog ng kanyang damdamin.
Tumigil lang siya nang makitang basag na basag na iyon... gaya mismo ng pananaw niya sa sarili.
"Damn, I hate the person that I'm seeing right now. But how come that person... is me?"
Napatitig si Alexis sa dugo na umaagos mula sa kanyang mga kamao. Ang mga kamao niya lang ang
nasugatan pero hindi lang ang mga iyon ang nararamdaman niyang nagdurugo kundi pati ang mga
sugat sa puso niya na parang sabay-sabay na nabuksan at nagdugo.
Nanlalambot na naupo siya sa couch.
Diana... It hurts thinking that your groom could have been me.
Naalala ni Alexis noong araw na pinilit niyang umamin sa dalaga nang puntahan niya ito sa Tagaytay.
Sinikap niyang ipagtapat ang nararamdaman pero dumating si Jake na para bang isang senyales mula
mismo sa kalangitan na wala siyang karapatan para magtapat pa dahil gulo lang ang hatid niyon.
Napasulyap si Alexis sa kanyang wristwatch. Malapit nang magsimula ang kasal ni Diana pero nasa
condo unit pa rin siya. Iyon na ang sandali na tuluyan nang matutuldukan ang pagmamahal niya.
Mariing naipikit niya ang mga mata. Pero sa pagpikit niya ay ang nakangiting mukha ng dalaga ang
pumasok sa isip niya. Agad siyang napadilat. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay pumitlag ang
tatanga-tangang puso niya.
Naikuyom niya ang mga kamay na nagdurugo pa rin. Shit! Ano bang ginagawa niya? Ngayon na lang
ang huling araw na maari siyang magsalita. Kung pagkatapos niyon ay matutuloy pa rin ang kasal,
pipilitin niyang tanggapin. Pero magsasalita siya. Bahala na.
Mabilis siyang tumayo at hinugasan ang kanyang mga kamay. Nagbihis rin siya nang malamang
natuluan na ng dugo ang kanyang damit. Kailangang maging presentable ang itsura niya kahit man
lang sa araw na iyon. Nang masigurong maayos na ang lahat ay nananakbong umalis siya sa kanyang
unit.
Sa kabila ng matinding pananakit ng mga kamay ay pilit siyang nagmaneho.
This piece of shit will finally stand up. Patawarin mo ako, Diana. But I swear I'll die if I won't do this.
NAHIGIT ni Diana ang paghinga nang makababa na ng bridal car. Bigla ay natigil siya sa paghakbang.
Namasa ang kanyang mga mata nang makita ang simbahan. Sadyang unpredictable ang buhay.
Noong nasa kolehiyo siya ay si Yves ang inakala niyang maghihintay sa kanya sa harap ng altar. Ito
ang una niyang pag-ibig.
Namatay ito, saka niya nakilala si Alexis. Nagkaroon siya ng bagong pangarap: ang makasama ito.
Naging madali ang ngumiti at magsimula uli dahil sa binata. Ilang taon siyang nalunod sa pangarap na
isang araw ay magkakasalubong ang mga puso nila. Pero kailan ba ibinigay ng tadhana ang lahat ng
gusto ng isang tao? Nasaktan siya. Umalis. At sa pagbabalik niya, natagpuan nila ni Jake ang isa't isa.
Inalagaan nito ang puso niya, wala na siya dapat mahihiling pa. Dahil ang pagmamahal nito, nag-
uumapaw. At nadarama niya iyon bawat araw.
Siguro ay isang pagsubok si Alexis para malaman niya kung gaano katatag ang puso niya. Kailangan
niyong mabasag para mabuo uli sa pagdating ni Jake. At ngayong naniniwala siya na nabuo na ang
puso niya, mas matatag na iyon kaysa sa dati.
Iginala ni Diana ang tingin sa paligid. Wala ang Alexis na inaasahan niyang makakasama ng kanyang
mga magulang sa paghatid sa kanya sa simbahan. Strange. Walang sandali na nawala ito sa buhay
niya noon. Kahit walang okasyon ay dumarating ito sa isang tawag niya lang. Pero ngayon, nakailang
tawag at text na siya rito, saka pa ito nawala kung kailan kailangan niya ito para sa napakahalagang
pangyayaring iyon.
Napahugot siya ng malalim na hininga.
At least, Jake is here. Hindi ba't iyon naman ang mahalaga? Sa araw na ito, magsisimula ang This content provided by N(o)velDrama].[Org.
katuparan ng mga pangarap niya. Ikakasal siya, magkakaroon ng sariling pamilya at magiging masaya.
"Cheer up, soon-to-be Mrs. Diana Serrano. This is your wedding day." Naibulong niya. Narinig niya ang
pagsinghap ng ina pero hindi niya na iyon nabigyang pansin.
Mrs. Serrano? What on earth was she thinking? Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi ito maaari.
"Diana, are you sure you want to do this?" Anang ina.
Hindi na nakasagot pa si Diana dahil nagsimula na ang seremonya. Nang bumukas ang pinto ng
simbahan at nakita niya si Jake na nakangiting naghihintay sa kanya sa altar ay sumilay rin ang ngiti sa
kanyang mga labi. Isiniksik niya sa likod ng isip ang lahat ng kanyang mga agam-agam.
Nababaliw lang ako. Mahal ako ni Jake at mahal ko siya. And now we're getting married. What could
be more perfect than that?
NAGMAMADALING bumaba si Alexis mula sa kanyang kotse. Kumakabog ang dibdib na tumakbo siya
patungo sa simbahan. Agad na naagaw niya ang atensiyon ng ilan sa mga naroroon. Bumakas ang
recognition sa mga mata ng mga nakakita sa kanya. Pero sinikap niya iyong balewalain.
Tumutok ang mga mata niya sa altar. Napahugot siya ng malalim na hininga para kahit paano ay
maibsan ang tumitinding hapdi sa kanyang puso nang makita roon si Diana, ang kanyang si Diana. Ito
ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, ang kanyang mundo, ang kanyang puso at ang lahat-lahat sa
kanya. Pero hayun ang mundo niya, naghihintay na lang ng basbas ng pari para maging ganap na
pagmamay-ari na ni Jake, ang lalaking sa araw at gabi ay hinihiling niya na sana ay naging siya na
lang.
"Into this holy estate, these two persons present now come to be joined. If any person can show just
why they may not be joined together, let them speak now or forever hold their peace."
Kumuyom ang mga kamay ni Alexis. Kung hindi siya gagawa ng hakbang ngayon ay wala na siyang
magiging pagkakataon. Sunod-sunod na mararahas na paghinga ang pinakawalan niya bago niya sa
wakas ipinaramdam ang kanyang presensiya. Nahuli na siya ng pagdating. Wala nang oras para
magtapat pa sa personal. Ang natitira na lang na mga sandali ay para sa paggawa ng milagro.
"Itigil ang kasal!" Umalingawngaw ang boses ni Alexis sa buong simbahan. Narinig niya ang
pagsinghap ng karamihan sa mga bisita roon kasabay ng pagbaling ng atensiyon ng lahat sa kanya.
Pilit na sinalubong niya ang nanlaki sa pagkagulat na mga mata ni Diana nang humarap sa kanya.
Muling umarangkada ang sakit sa kanyang buong sistema.
Napakaganda ni Diana nang mga sandaling iyon. Ganoong-ganoon ang pumasok sa isipan niyang
imahen nito sa araw ng kasal. Alam niya na ang kasalukuyang nangyayari bago pa man siya dumating
at nakialam ay ang katuparan ng mga pangarap nito. At nasasaktan siyang isipin na siya mismo na
lalaking pinagkakatiwalaan nito nang sobra-sobra ang siyang sisira ng lahat ng iyon.
"Axis?" Nabiglang sinabi ni Diana.
"Hindi mo siya pwedeng pakasalan, Diana. You can't do that especially now that you're pregnant with
my child." Higit na lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid. Naglihis si Alexis ng tingin. Sa loob ng
ilang sandali ay nagkagulo sa loob ng simbahan.
Patawarin mo ako, Diana. I can't just sit in one corner and wait for my entire world to collapse. Halos
madurog na ako nang tumigil ang mundo ko sa pagdating ni Jake sa buhay mo. Pero para magunaw
pa 'yon, Diana, hindi ko na kaya. Hindi na kaya ng puso ko 'yon. I'm sorry for hurting you and I'm sorry
for falling in love with my best friend. Nagsisikip ang dibdib na naisaloob ni Alexis pero wala siyang
ginawa para bawiin ang kasinungalingang sinabi.
Isinugal niya na ang lahat nang oras din na iyon. Bigla, sumagi sa isip niya ang lahat ng mga alaala na
magkasamang binuo nila ni Diana. Iyon ang tanging mga magagandang alaala na meron siya. Sa
pagtatapos ng araw na iyon, malaki ang posibilidad na ang mga alaala na lang na iyon ang matitira sa
kanya.
Pero hindi pa man nakakabawi ang lahat sa pangyayaring iyon nang may batang babae na sa tantiya
ni Alexis ay naglalaro sa walo o siyam ang edad na lumitaw sa tabi niya. Kasunod nito ay si... Lea?
"Daddy, I hate you! You lied to me! Ipinagpalit mo kami ni Mommy! I don't ever wanna see you again,
Daddy!"
Napasinghap si Alexis. Napatitig siya sa nakayuko ring si Lea na siya mismong ex-girl friend niya. Una
pa lang itong nagtrabaho sa firm niya ay alam niya nang may anak ito. Pero ni minsan ay wala itong
nabanggit tungkol sa ama ng bata. And now this?
What the hell?