Don't Let Me Go, Diana

Chapter 13



Chapter 13

JUST AS I thought. Naisaloob ni Jake nang masaksihan si Diana na naghihintay sa labas ng pinto ng

unit ni Alexis. Hindi sila nagkita buong araw dahil may ilang mahahalagang bagay siyang kinailangang

ayusin sa hotel kaya binalak niya itong sorpresahin nang gabing iyon.

Pero nakita niya ang pag-alis ng kotse ng dalaga noong papasok na siya sa village kung saan ito

nakatira. Bukas ang bintana sa driver's seat pero hindi nito napansin ang nadaanan nitong sasakyan

niya dahil mukhang napakalalim ng iniisip nito. Ilang linggo na itong ganoon kaya napagpasyahan

niyang sundan na lang ito at lihim na umasa na sa ginawa ay masasagot ang mga tanong niya sa likod

ng mga ikinikilos nito.

Siya mismo ay may nabubuo nang sagot sa kanyang isip pero walang araw na hindi niya hiniling na

sana ay hindi ang mga iyon ang totoong kasagutan. Simula nang bigla na lang hindi nagpakita kay

Diana ang best friend nito ay parati nang natitigilan ang dalaga. Best friend. Mapakla siyang napangiti

sa naisip.

Hindi niya pa man nakikita noon si Alexis ay hindi na maganda ang kutob niya. Siguro dahil madalas

na laman ng bawat kwento ng dalaga ang matalik na kaibigan nito na noong nanliligaw pa lang siya ay

isa na sa mga ipinag-aalala niya. Lalaki ang tinuturing na best friend nito. At ilang pagkakaibigan na ba

sa pagitan ng isang babae't lalaki ang naging matagumpay nang walang minalas na nahuhulog isa

man sa mga iyon?

There will always be a tendency of someone to fall in love with his or her best friend. Alam na alam

niya iyon. Dahil doon din siya nanggaling. Dahil mismo sa ganoong bagay kaya nasira ang samahan

nila ni Leandra, ang kanyang matalik na kaibigan mula pa pagkabata.

Nang sa wakas, makita niya si Alexis ay hindi na nagkaroon pa ng kapayapaan sa puso niya. May

kung anong madilim na bagay na hindi maikakaila sa pagkatao nito na agad ring naaalis tuwing

kasama nito si Diana. Para itong gabi na nagkakaroon lang ng liwanag sa pamamagitan ng buwan,

buwan na nagkataong ang kanyang si Diana.

At si Diana... parati itong nagliliwanag tuwing kasama siya. Nararamdaman niya na napapasaya niya

ito. Napaka-transparent nito kaya madali iyong makita sa mga magagandang mata nito. Pero

pakiramdam niya, dumodoble ang liwanag nito tuwing ang best friend nito ang kasama. Mahal siya ng

dalaga... at parati niyang ipinagmamalaki na minahal siya ng tulad nito. Dahil ito ang kabuuan ng

babaeng papangarapin ng lahat ng lalaki.

Na kay Diana na ang lahat. Masarap kasama, malambing, matalino, at mabuting tao. Bonus na lang

kung tutuusin ang ganda nito dahil mas una niyang napansin ang kakaibang tibok ng puso niya nang

makita niya ito kaysa sa kagandahang taglay nito. Nararamdaman niya na mahal siya nito. Pero bukod

doon, may iba pa siyang nararamdaman.

Naupo si Jake sa kanto ng pasilyo at sumandal sa malamig na pader. Hindi siya mapapansin doon ni

Diana maliban na lang kung lilingid ito papunta sa elevator. Sinilip niya ito. Mukha pa ring naghihintay

ito sa pagdating ni Alexis habang paulit-ulit na nagda-dial sa cell phone nito.

Ako, Diana, maisip mo rin kaya akong tawagan ngayon?

Nang siguro ay mapagod sa pag-dial ay frustrated na ibinaba ni Diana ang cell phone sa tabi nito.

Pumikit ito at sumandal sa pinto. Nang hindi makatiis, inilabas ni Jake ang cell phone sa bulsa ng suot

na amerikana at idinayal ang numero ng dalaga. Nakita niya kung paano ito naging alerto. Mabilis na

dumilat ito at agad na tiningnan ang cell phone. Pero nang makita na sa iba nagmula ang inaasahan

nitong tawag, bumakas ang panlulumo sa mukha nito. Dahan-dahan nitong ibinaba ang cell phone at

hinayaang mag-ring iyon. Ngayon lang nito iyon ginawa sa kanya.

Kusa na rin siyang tumigil sa pagtawag. Muli siyang sumandal sa pader at mariing ipinikit ang kanyang This is property © NôvelDrama.Org.

mga mata. Ngayon ay aaminin niya na. Mahal siya ni Diana pero may mahal rin itong iba. Mahirap na

ang may kahati sa puso ng taong mahal mo pero mas mahirap iyong hindi mo alam kung pantay ba

ang pagkakahating iyon o mas nakakahigit ang porsiyento ng isa niya pang minamahal bukod sa 'yo.

Nag-init ang kanyang mga mata sa naisip.

Bagay na maging magkaibigan sina Alexis at Diana. They were both the fools who fell in love with each

other. Pero parehong natatakot na umamin. He should know. Pinagdaanan iyon sa kanya ni Leandra.

Sino nga ba namang hindi matatakot umamin kung ilang taong pagkakaibigan ang nakataya?

Kung maglalakas-loob kang umamin, malaki ang posibilidad na mawala hindi lang ang best friend mo

kundi ang taong mismong minamahal mo. Pero kung hindi ka aamin, puso mo ang itataya mo. Dahil

manghihina at manghihina iyon sa bawat araw na hindi nailalabas ang pagmamahal na nasa loob

niyon. Manghihina iyon hanggang sa masaid iyon. At mas nakakatakot iyon.

Ang katotohanang iyon ang dahilan kung bakit nagmadali si Jake na maikasal kay Diana. Natatakot

siyang mauntog na lang ito isang araw at ma-realize na dalawa sila ni Alexis na laman ng puso nito.

Natatakot siyang kapag dumating ang araw na iyon ay iwanan siya nito dahil na-realize nitong mas

matimbang ang pagmamahal nito para sa best friend nito. Gusto niyang maikasal na sila agad para

hindi na ito magkaroon ng pagkakataong iwanan siya. Dahil nakatali na ito sa kanya. Makasarili siya,

oo. Pero nagmamahal siya sa kauna-unahang pagkakataon at ayaw niyang mawala iyon.

Susugal siya sa pag-ibig. Hangga't walang umaamin kina Alexis at Diana, hangga't hindi nagbabago

ang pasya ng dalaga na pakasalan siya ay patuloy niyang ipaglalaban ang pagmamahal niya.

Natuklasan niya na pagdating sa pagmamahal, kung sino ang nananahimik ang siyang talo. Hindi

pwedeng hindi ka magsalita o kumilos dahil mapag-iiwanan ka. At wala siyang balak magpaiwan.

Until then...

Muli niyang sinilip si Diana na nanatiling nakasandal sa pinto. Mukhang buong gabi silang maghihintay

roon... sa magkaibang rason.

Hangga't kaya ko, makikihati ako, Diana. Para sa 'yo... Para lang sa'yo.

AGAD na nahinto sa pag-ikot at pagsayaw si Diana nang makita si Alexis na nakatayo ilang metro ang

layo sa kanya at pinapanood siya. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi nang

sumilay ang amused na ngiti sa mga labi ng binata bago ito dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.

Bigla, pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang napakagandang pelikula at pinanonood si Alexis

habang ito ang bida at kasalukuyang humahakbang sa lugar na iyon na puno ng mga bulaklak.

Nililipad ng mabining hangin ang hanggang balikat na buhok nito.

Nasa flower farm si Diana nang mga sandaling iyon sa Tagaytay. Iniregalo iyon sa kanya ng ama nang

makapagtapos siya ng kolehiyo. Doon nagmumula ang mga bulaklak na ibinebenta niya sa flower

shop. Sabado nang araw na iyon pero may mga trabaho na kailangang asikasuhin si Alexis kaya

inihatid lang siya nito roon pagkatapos ay dumeretso na sa opisina nito.

Ang usapan nila ay kinabukasan na lang siya nito babalikan at ihahatid sa Maynila kaya hindi niya

inakalang darating ito nang hapon na iyon.

"Why did you stop?" Nangingiti pa ring tanong ng binata nang makalapit na sa kanya.

"Stop teasing me." Nahihiya pa ring itinakip ni Diana ang mga kamay sa kanyang mukha.

Tuwing weekends ay sa flower farm siya madalas nagpupunta para alisin ang stress niya mula sa

buong linggong pagtatrabaho. She liked to be alone with the flowers there. Ibang klase siyang mag-

alaga sa mga bulaklak. Hindi niya lang basta dinidiligan ang mga iyon kundi kinakantahan at

sinasayawan rin. Wala pang kahit na sino sa pamilya o mga kaibigan niya ang nakakaalam ng gawain

niyang iyon maliban sa ilang mga tauhan niya roon na nakasanayan na siyang makitang ganoon. Pero

ngayon, hayun at nabuking na siya. Kahit tatlong taon niya nang kaibigan si Alexis, nahihiya pa rin

siyang mahuli nito sa ganoong sitwasyon.

"Come on, I'm not teasing you." Marahang inalis ni Alexis ang mga kamay ni Diana na nakatakip pa rin

sa kanyang mukha. Itinaas nito ang baba niya para magsalubong ang kanilang mga mata. "I'm

appreciating you. Mabuti na lang pala at na-postpone ang meeting ko. Kung hindi, hindi kita makikitang

mag-perform. Mukha pa namang ipinagkakait mo sa akin ang mga ganitong bagay." Kinindatan siya ng

binata. "You look wonderful, Diana. You looked wonderful dancing while lost in your own precious little

world. Para kang 'yong mga bulaklak rito. You're blooming."

Naiiling na napangiti na lang si Diana. "Bolero ka talaga kahit kailan. I just get really crazy when I'm

here. Gano'n ako sa mga bulaklak. Hindi ko lang sila basta kinakausap. I sing and dance for them. I

know its weird kaya nga wala akong hinahayaang makakita sa akin nang ganito maliban sa mga

tauhan ko-"

"It's okay, Diana. Nakita ko na. Wala ka nang magagawa." Tumawa si Alexis. Sandaling natigilan si

Diana. Buhay na buhay ang tawang iyon at napakasarap sa pandinig. "It's weird, yes. But in a beautiful

way. Besides, wala ka namang dapat ipaliwanag. Ako lang 'to. You can always be crazy around me."

Inabot ni Alexis ang kanyang kamay at inikot-ikot siya sa malawak na tanimang iyon. Muli siyang

kinindatan nito. "Let's dance some more for the flowers to grow some more." Mayamaya ay nagseryoso

ito. "Sana ganito na lang ang totoong mundo. Maliit man pero masaya. Makulay. Maganda. Sana dito

na lang tayo nakatira."

"Oh, Axis. I missed you," garalgal ang boses na bulong ni Diana sa kawalan. Ang eksenang iyon sa

pagitan nila ng binata ang parati niyang naaalala tuwing pumupunta siya ng flower farm. Apat na araw

na lang bago ang kanyang kasal pero hindi pa rin sila nagkikita.

Habang lumilipas ang mga araw, parating nadaragdagan ang kung anong kulang sa pagkatao niya.

Napahugot siya nang malalim na hininga. Naglakad siya papunta sa sentro ng flower farm. Ipinikit niya

ang mga mata at pilit na ipinahinga ang pagod na isipan bago muling umikot at sumayaw roon tulad ng

nakagawian niya.

"Amazing. As always."

Kumabog ang dibdib ni Diana. Automatic siyang napahinto sa ginagawa at agad dumilat pagkarinig sa

baritonong boses na iyon. Gaya nang una siyang masaksihan ni Alexis ay nakatayo ito hindi kalayuan

sa kanya. Nakapaskil ang amused na ngiti sa mga labi nito.

"Axis!" Dali-daling tinakbo niya ang natitirang distansiya sa pagitan nila ng binata. Pumaloob siya sa

nakabukas na mga bisig nito. Namasa ang kanyang mga mata nang sa wakas ay muling maramdaman

ang mainit na yakap nito. "Where have you been? Axis, I was so worried about you."

"I've been to everywhere," mahinang sagot ng binata. "Trying to find peace."

HUMIGPIT ang pagkakayakap ni Diana kay Alexis. "Did you find it?"

"No." Naramdaman niya ang paghalik ng binata sa kanyang ulo. "I haven't found it until this very

moment. Bakit gano'n? Bakit ikaw lang ang nakakapagpakalma ng loob ko mula noon hanggang

ngayon? Diana, paano kapag isang araw, hinanap ko 'to? Paano kapag isang araw, gusto kong

makulong sa yakap mo tulad ngayon? Paano ko magagawa 'yon kung meron nang magagalit? What if

in the middle of the night, I wish to talk to you just like the old times?

"Paano kapag gusto kitang puntahan at makita gaya nang dati ano mang oras ko gustuhin tulad nito?"

Mayamaya ay narinig ni Diana na tumawa si Alexis pero walang buhay iyon sa pandinig niya. "I'm

sorry. Alam mo namang hindi ako emotional na tao. It's just that... my best friend is getting married.

Nami-miss lang siguro kita. Heck, I've missed you the very day you told me you're getting married."

Tuluyan nang pumatak ang masaganang luha sa mga pisngi ni Diana. Naiintindihan niya si Alexis dahil

siya man ay nagkakaganoon rin. Pero pilit niyang pinigilan ang nararamdaman. Bahagi lang siguro iyon

ng wedding jitters na tinatawag ng karamihan. Ngayong nasa tabi niya na ang binata, nawala ang lahat

ng agam-agam niya.

"Axis, wala namang magbabago. Ako pa rin ito. Mapapalitan nga lang ang apelyido ko. But I'm still

going to be your best friend. You can still call me whenever you feel like calling. Hindi naman ako aalis.

Titira lang ako sa ibang bahay."

"Yeah, right." Halos pabulong na pagsang-ayon na lang ni Alexis. Bahagya itong humiwalay sa kanya

at inabot ang mga bulaklak na ngayon niya lang napansing hawak nito. "I know it's crazy to give you

these, lalo na at halos buong buhay mo ay napapaligiran ka ng mga bulaklak. But just the same, I want

you to keep these flowers, Diana. Dahil ang mga 'yan ang palatandaan na sa huling sandali, pinilit

kong maging matapang." Pinaghalong red carnation at daffodil ang mga iyon.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ilang minuto siyang pinagmasdan ni Alexis na para bang pilit na binabasa ang nilalaman ng isip niya.

Mayamaya ay nagkibit-balikat ito. "Nanggaling ako sa shop mo." Sa halip ay sagot nito. "The staff told

me that I'd find you here. Pero nang hindi kita makita roon, may pakiramdam na ako na dito ka

nagpunta. Kahit hindi weekend, because you're going to miss the flowers. Besides, you can't possibly

be here on weekend. Dahil ikakasal ka na sa Linggo."

Napatango si Diana. Dahil unattended pa rin ang cell phone ni Alexis, araw-araw ay binibilinan niya na

lang ang kanyang staff kung saan siya matatagpuan ng binata sakaling mapagpasyahan nitong

pumunta sa kanyang shop.

Nang mapasakamay na niya ang mga bulaklak ay natahimik si Diana. Napatitig siya sa mga iyon. Kung

hindi mga gamit sa paghahalaman ay puting mga rosas ang kadalasan ay ibinibigay sa kanya ni Alexis.

Ngayon lang siya nito binigyan ng mga ganoong bulaklak. Minsan ay nabanggit niya na rito ang

kahulugan ng mga bulaklak. At alam niyang ang iba ay nakabisado na nito dahil ultimo ang mga iyon

ay pinag-interesan nitong matutunan. That was her best friend. Pinag-aaralan nito mula sa

pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaking mga bagay kung saan siya interesado. Dahil gusto daw

nitong mas maunawaan siya, kabilang na roon ang mga hilig niya.

Ang red carnation ay para sa paghanga at nasasaktang puso. Habang ang daffodils naman ay

nangangahulugang sunshine at unrequited love. Mayamaya ay naipilig ni Diana ang ulo. Baka

admiration at sunshine lang ang gustong ipakahulugan ni Alexis sa mga ibinigay. Sadyang nilagyan

niya lang ng ibang kulay. Ngumiti siya. "Thank you."

Gumanti ng ngiti ang binata. "Let's sing and dance for the flowers and for the last time. Alam ko kasi na

sa susunod, ibang lalaki na ang makakasama mong sumayaw at kumanta sa lugar na ito." Muli nitong

kinuha ang mga bulaklak at inilagay sa isang silya na gawa sa kahoy sa isang panig roon.

Sa muling paglapit sa kanya ni Alexis ay inilagay nito ang mga braso niya sa batok nito. Ang mga

kamay nito ay pumaikot sa kanyang baywang. Marahan siyang hinapit nito bago sila sumayaw. Inihilig

niya ang ulo sa dibdib nito. Mayamaya pa ay narinig niya ang mahinang pagkanta nito.

"Can I touch you? I can't believe that you are real. How did I ever find you? You are the dream that

saved my life. You are the reason I survived. I never thought that I could love someone as much as I

love you. I know it's crazy but it's true. I never thought that I could need someone as much as I need

you. I love you..."

Para bang saglit na huminto sa pagtibok ang puso ni Diana sa mga narinig. Manghang nag-angat siya

ng mukha at unti-unting sinalubong ang mga mata ni Alexis na nahuli niyang nakatitig rin sa kanya

habang patuloy sa pag-awit.

"Can I hold you? Girl, your smile lights up the sky. You are too beautiful for the human eye. You are the

dream that never dies. You are the fire that burns inside. You are the sunshine in the sky. You are the

sparkle in my eyes..."

"Axis?"

Ngumiti ang binata, ngiti na hindi tumagos sa mga mata nito. Ngiti na naghatid ng laksa-laksang

lungkot sa kanyang puso sa isang iglap. Mayamaya ay pumikit ito na para bang hindi nagawang

tagalan ang pagtitig niya. Hindi niya maatim na makita itong nagkakaganoon.

"I never thought that I could need someone as much as I need you. I love you..." Sa muling pagmulat

ng binata na tanda ng pagtatapos ng awitin nito ay nahuli niya ang pagpatak ng luha nito.

"Axis, what's going on?" gulat na sinabi niya.

"Nothing." Niyakap siya ni Alexis. Napakahigpit niyon. Ganoong-ganoon ang yakap nito sa kanya

noong naabutan niya ito sa gate ng townhouse niya nang unang gabing hinatid siya ni Jake. Noon niya

lang ito nakitang nagkaganoon. Hinalikan siya nito uli sa kanyang noo bago ito humiwalay sa kanya.

"There. I'm sure the flowers will bloom because we already sang and danced for them." Hinaplos nito

ang kanyang mga pisngi. "Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na sa susunod na

makikita kita, nakadamit pangkasal ka na. Anyway, congratulations, Diana." Anang binata bago

tumalikod na at humakbang palayo sa kanya.

Bakit ganoon? Bakit siya nasasaktan sa sakit na alam niyang nararamdaman ni Alexis? Ano ang ibig

sabihin ng mga ikinikilos nito? Bakit nasasaktan siya sa kaisipang naglalakad ito hindi palapit kundi

palayo sa kanya? Ilang sandali siyang naguguluhang nakatitig sa likod nito bago niya ito hinabol.

Tumakbo siya at niyakap ito sa likod. "Bakit aalis ka na agad? Ni hindi pa tayo nakakapag-usap. Axis,

ano ba kasing nangyayari sa 'yo?"

"You would never understand."

"Try me." Bakas ang frustration sa boses na sagot ni Diana.

Kinalas ng binata ang mga braso nitong nakayakap sa kanya. Humarap ito sa kanya. And once again,

there was that pained expression on his face. "Diana, I... I..."

"You what?"

"Oh, Alexis, pare, you're here, too. Long time no see." Anang boses ni Jake na bigla na lang sumulpot

mula sa kung saan. Ilang sandali pa ay nakita niya na ang kanyang fiancé. Naglakad ito palapit sa

kanya kasabay ng pagpaikot ng braso sa kanyang baywang.

Ilang beses na silang nakitang ganoon ni Alexis pero bakit parang ikinahihiya niya iyon ngayon?

Napatitig siya kay Jake. Wala silang usapan na magkikita sa araw na iyon. Ang usapan nila ay sa

mismong araw na ng kanilang kasal magkikita. Gusto niya itong tanungin pero bigla ay nakaramdam

siya ng pag-aalangan.

"Yeah. Best wishes, man." Sinabi ni Alexis. Inabot nito ang kamay kay Jake na agad rin namang

tinanggap ng huli. Mahigpit na nagkamay ang dalawa. Naramdaman ni Diana ang pamumuo ng

tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki sa hindi niya maunawaang dahilan.

Naunang bumitaw si Alexis. "I'll go ahead now, Diana. See you... on Sunday."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Pero hindi ba at may sasabihin ka pa?"

"It didn't matter a few months ago. I don't think it would matter now. Kalimutan mo na lang. Just be

happy, Diana."

I never thought that I could love someone as much as I love you. I know it's crazy but it's true. Bigla ay

parang tuksong naglaro sa isip ni Diana ang kakaibang awiting iyon ng binata. Ano ang ibig sabihin

niyon? Did he do that just for the sake of singing and dancing for the flowers? Pero paano niya

maipapaliwanag ang kakaibang expression nito?

Nahihibang ka na, Diana. Bakit ba nagkakaganyan ka pa? Ikakasal ka na. Kung mamahalin ka niyan,

sana noon pa. Si Jake... ang dami nitong handang ibigay sa kanya. Pero si Alexis, walang dudang

kaya ring ibigay ang lahat... maliban sa isang bagay. Iyon iyong pagmamahal na higit pa sa isang

kaibigan. Si Jake, nakahanda parating sumalo sa puso niya. Puso niyang ilang ulit nang binitiwan ni

Alexis.

"I love you, Diana." Narinig niyang bulong ni Jake.

Bumalik sa fiancé ang kanyang mga mata. Pinakatitigan niya ito. Pilit na binura niya ang mga

alalahanin sa kanyang isipan. Ngumiti siya sa binata. "I love you, too."

I know that I do, Jake. But why... why do still I feel this way?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.