Chapter 6
Chapter 6
"I THOUGHT experiences make a person stronger and wiser. Pero mukhang mali ako ng akala.
Because I heard you're now back in Calix's arms."
Mula sa nire-research sa kanyang laptop ay nag-angat ng mukha si Chryzelle pagkarinig sa
sarkastikong boses ni Aiden. Deretsong nakatitig sa kanya ang binata.
"Nakita ko ang sakit sa mga mata mo noong huling pumunta ako rito, Chryzelle. I knew you were
terribly hurt. Heck, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, darating ka pa rin dapat sa puntong
hihinto ka na dahil natuto ka na."
Umawang ang bibig ni Chryzelle sa mga narinig. Yaman din lang na mukhang nagkwento na naman
ang ate Celeste niya kay Aiden, sana ay buong istorya na ang ibinahagi rito ng kapatid. Hindi iyong
ganitong tangang-tanga na ang tingin sa kanya ng ibang tao na nakakaalam ng tunay na mga nangyari
noon sa kanila ni Calix.
Tuluyan nang inihinto ni Chryzelle ang ginagawang pagre-research, tutal naman sa palagay niya ay
sapat na ang mga napag-alamang physical activies na maari nilang gawin ni Calix para mapanatili
itong aktibo at malakas ang pangangatawan.
"You only know half of the real story, Aiden. So please, stop judging," sagot ni Chryzelle nang sa wakas
ay makabawi sa pagkabigla, pinipilit na kalmahin ang sarili. Iyon ang unang araw na pumasok siya sa
bakeshop pagkatapos malaman ang sakit ni Calix. At ang unang sumalubong sa kanya ay si Grace na
nagbigay-alam sa kanya na ilang beses nang nagpapabalik-balik sa shop si Aiden at hinahanap siya.
Hindi naman nagkabula ang sinabi ng kanyang branch manager, dahil ilang minuto pa lang mula nang
makapasok ay sinadya na siya ni Aiden sa kanyang opisina. And she welcomed him. He was a
distraction and right now, she really needed whatever or whoever distraction that would come her way
just to make her stop thinking about Calix and the kiss that happened between them.
Mula nang mangyari ang halik na iyon sa Ferris wheel sa Enchanted Kingdom ay hindi na muna kinibo
ni Chryzelle si Calix. She needed some time to think. Hindi siya dapat hinalikan nito. It was
inappropriate. Dahil pagkatapos ng isang buwang kasunduan nila ay aayusin na nila ang annulment,
kahit na nangako siya kay Calix na sasamahan pa rin ito sa pagpapagamot. That was how things were
planned. Hindi siya dapat nalilito sa halik ni Calix na para bang kay raming gustong ipakahulugan.
"Then what's the real story?" Ikinulong ni Aiden sa mga kamay nito ang mga kamay ni Chryzelle na
nasa ibabaw ng mesa. "Sabihin mo sa akin, so I can stop judging. So I can start to understand."
Naguguluhang pinakatitigan ni Chryzelle ang kababata. "What is it to you?"
"I'm your friend," ani Aiden matapos ng ilang minutong katahimikan na namayani sa pagitan nila. "Of
course, I care."
Natigilan si Chryzelle. Napatitig siya sa sinseridad na nababasa sa mga mata ni Aiden. Namasa ang
kanyang mga mata. For the past days, she had been trying very hard to be strong after the sudden
turnout of events in her life. Hindi niya makausap ang kapatid niya dahil alam niyang sesermunan din
siya nito. Kahit na hinayaan siyang bumalik sa bahay nila ni Calix, alam niyang hati ang kalooban nito
sa ginawa niya. Celeste may be concerned about Calix and she may want Chryzelle to help her
husband, but not to the extent of moving into their house again and risk her heart again.
But Chryzelle felt like it was the least that she could do for someone she loved, bukod sa isang buwan
na panahon lang ang hiningi sa kanya ni Calix. Pagkatapos niyon ay malaya na siya. Pero wala siyang
maramdaman na anumang saya sa kanyang puso. Maski kung ano ang dapat maramdaman ay
ikinalilito niya na sa dami ng mga nangyari.
Napailing na lang si Chryzelle. "Aiden, the truth is-"
Hindi na niya natapos pa ang mga sasabihin nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si
Calix. Kaagad na nabura ang ngiti sa mga labi ng asawa nang makita si Aiden sa kanyang opisina.
Sumunod na bumaling ang mga mata nito sa kamay ni Aiden na nananatiling nakahawak pa rin sa
kanya.
For some unknown reason, Chryzelle felt a pang of guilt. Binawi niya ang mga kamay mula sa
kaibigan.
"Nag-alala ako. Hindi kasi kita nakita pagkagising ko," walang emosyong sinabi ni Calix bago ito
naglakad palapit sa kanyang mesa. Kinuha nito ang isang kamay niya, pagkatapos ay may dinukot ito
na kung ano sa bulsa ng pantalon.
Nasorpresa siya nang malamang ang wedding ring nila iyon. Maingat na isinuot iyon sa kanya ni Calix.
"Maraming mapagsamantala ngayon sa mundo, baby. They will grab every opportunity that they could
so please, never leave the house without your wedding ring again. Baka kasi mapaaway pa ako kapag
napagkamalang single ka pa rin." Marahang hinalikan ni Calix ang daliri ni Chryzelle na nakasuot ng
wedding ring. "There, at least, with your ring, any sane man will have second thoughts first before they
hold you."
"GANOON ba, pare? Kunsabagay, tama ka naman." Pilit na ngumiti si Aiden kay Calix. "Sa ganda at
bait ni Chryzelle, marami nga na handang manamantala sa paligid. So here's a little tip, buddy. Never
ever leave your woman... unattended. Or someone might really snatch her away from you regardless of
the ring on her finger."
Nagtagis ang mga bagang ni Calix sa parunggit ni Aiden. Ilang sandali pang naglaban ang kanilang
mga tingin bago nagkibit-balikat ang huli at sumenyas kay Chryzelle na aalis na. Ilang saglit pa ay sila
na lang ng asawa ang natira sa opisina.
Tila dismayado namang tumayo si Chryzelle sa kinauupuan at bahagyang inilayo ang sarili kay Calix.
"That was too much, Calix. Aiden is just a friend. Walang rason para sabihin mo ang mga sinabi mo at
gawin mo ang mga ginawa mo kanina," dagdag nito sa para bang pinipigilang galit. "Isa pa, kung
tutuusin, hiwalay na tayo. You're going to sign the papers after thirty days, right? You said so yourself."
Natutop nito ang noo. "God, ano ba itong mga nangyayari sa ating dalawa?"
Nagsabayan ang mga emosyon na naramdaman ni Calix nang makita ang frustration na malinaw na
nakarehistro sa mukha ng kanyang asawa.
Ilang ulit na napabuga ito ng hangin bago hinubad ang singsing na isinuot niya sa daliri nito. Damn it.
He was hurt as hell. Iniiwas niya ang mga mata. Nagpunta siya sa gilid ng opisina nito at tumanaw sa
bintana, kahit na ni isa sa mga nakikita o naririnig ay hindi tumatagos sa kanyang isipan.
Hindi alam ni Calix kung paano sabay-sabay na ipoproseso sa kanyang sistema ang mga
nararamdaman. Aminado siyang nagselos siya sa nadatnan sa opisina ng asawa dahil noon pa man, This is property © NôvelDrama.Org.
bago sila ikasal, alam niya nang may lihim na pagtingin si Aiden para dito. Nakikita niya iyon sa mga
mata at kilos ng lalaki. Aiden had crossed more than the friendship line.
At nang muli niyang makita ang lalaki pagkalipas ng maraming taon, alam niyang wala pa ring
nagbago. The man still looked at Chryzelle the way he did before. Nakadagdag pa sa problema niya
nang malamang single pa rin si Aiden.
Calix was also guilty. Nitong nakalipas na mga araw ay naging napakabuti, napakamaasikaso at
napakamaalaga ni Chryzelle sa kanya. She never left his side when she thought he was ill. She was
simply... perfect. Walang dudang napakaswerte niya sa asawa.
He married a wonderful woman, that was why every single moment he was with her, he could not help
but regret that he took her for granted. Masyado siyang naging abala para mapatunayan ang sarili sa
kanyang ama, sa kanyang mga kamag-anak. He was hungry to feel his importance that he was now on
the verge of losing the only person on earth who truly cared for him.
"I'm sorry."
Nabigla si Calix nang maramdaman ang mabining pagdantay ng mga braso ni Chryzelle sa kanyang
baywang. Niyakap siya nito mula sa kanyang likod.
"I'm sorry if I hurt you with what I said. Nabigla lang ako. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. God
knows I really wanted to help you. Kung pwede lang na makihati ako sa sakit na nararamdaman mo,
ginawa ko na. If I can shoulder your illness for you, I would. Because I know the company needs you."
Sa nakalipas na mga taon, ang akala ni Calix ay pinatatag na siya ng mga pinagdaanan sa buhay.
Hindi niya na matandaan kung kailan siya huling lumuha. Pero nang mga sandaling iyon, habang
naririnig ang boses ng asawa na pilit na pinaluluwag ang kalooban niya, na-realize niyang mahina pa
rin pala siya. A tear fell from his eye. Guilt flashed through his face. Alam niyang nahihirapan na rin si
Chryzelle. Kung hindi sana siya nagpakagago noon, hindi siya mapipilitang magpanggap para lang
makasama ito uli ngayon.
Until that very minute, Chryzelle thought about the company. Nagsikip ang dibdib ni Calix. How could
she remain selfless after everything?
"But Cal, I... I needed to heal, too. Gusto ko, sabay tayong magpagaling. That's why I want to push
through the annulment. I... I want to help myself, too." Humigpit ang pagkakayakap ni Chryzelle sa
kanya. "Gusto kong maka-move on na rin. Mas madali kitang matutulungan kung wala akong bigat na
iniinda rin sa puso ko. I just want us to be friends. Gusto kong putulin na 'yong bagay na parehong
nagdulot ng sakit sa atin. Gusto ko nang lumaya. I hope you understand."
Inalis ni Calix ang mga braso ng asawa sa kanya, pagkatapos ay humarap dito. Gusto niya nang
aminin ang totoo para makalaya na nga ito sa inaakalang obligasyong tulungan siya. But when he
looked at her eyes-probably the most expressive eyes he had ever seen in his life-he just couldn't tell
her the truth. Nagiging makasarili na naman siya. He was afraid to confess because he realized just
how much he really loved her. And that love was making him greedy.
I am so sorry, Elle. I'm sorry that you married the worst husband in the planet. I'm sorry you married
me.
Idinikit ni Calix ang kanyang noo sa noo ng asawa. "I understand."
"Thank you," mahinang sagot ni Chryzelle at ipinikit ang mga mata.
Marahas na napabuga ng hininga si Calix. "But you see, I came here for another reason. Marami pa
ang nasa wish list ko, pero gusto ko na sanang ihanda ka sa ikahuli. I came here to tell you about my
wish list number ten."
Nagmulat si Chryzelle. "Calix?"
Bahagya niyang idinistansya ang mukha sa asawa. Puno ng katanungan ang mga mata nito. "Promise
me that you'll think this over... and reconsider."
Nakakaunawang ngumiti si Chryzelle. "I promise."
"All right," Calix breathed painfully. "Wish list number ten: love me again." Forgive me again. Let's start
all over again. And if on the way, you got hurt again, let's start the whole process one more time. At
ipinapangako ko na hindi ka na masasaktan ulit. Because this greedy man may be a lot of things, but
he really loves you. I'm begging you.
Napakaraming gustong idugtong ni Calix sa huling sinabi, pero sa huling sandali ay pinigilan niya ang
sarili. Inilabas na niya ang huling baraha niya... ang huling pandaraya niya.
"HINDI ako palasimba. Napadaan lang talaga ako sa simbahan kung saan tayo unang nagkita. I was
wounded. That day was my mom's death anniversary. Noong panahong iyon, wala akong
pinaniniwalaang kahit na ano. I didn't believe in God. I didn't believe in love because I lacked that as a
child. I didn't even believe in myself."
Napasinghap si Chryzelle sa pangungumpisal ni Calix.
"And then out of the people who went to church that day, I saw you. Hindi na ako nag-isip pa. Tumabi
na ako sa 'yo. I looked at you and stared at the image at the center of the church," pagpapatuloy ni
Calix sa namamaos na boses. Sumungaw ang sinseridad sa mga mata nito. "And unbelievably, I felt
calm for the first time in my life. Sabi ko sa sarili ko noon, siguro, ikaw ang paraan ng Diyos para
kalampagin ako at iparating sa akin na may maganda pa rin sa mundo sa kabila ng mga pinagdaanan
ko."
Napakagat-labi si Chryzelle. Why was he confessing this now?
"You didn't know how it feels like to have a family like mine. Meron akong perpektong kapatid, isang
ama na kahit kailan hindi nagawang tanggapin kung sino ako, isang ina na maagang nawala, at mga
kamag-anak na ang tataas ng tingin sa sarili at ang baba naman ng tingin sa akin."
Nangilid ang mga luha ni Chryzelle. "Calix, stop it-"
"I'm telling you my story." Mapait na ngumiti si Calix. "I want you so badly to reconsider. They are my
reasons, as crazy as they may sound. Baka kasi ito na ang huling pagkakataon ko para magpaliwanag.
Baka huling pagkakataon na rin ito na makikinig ka." Nagkibit-balikat ito. "You see, when everything
collapsed because my brother died, I strived for self-importance. I mourned with everyone but at the
same time, I wanted them to be aware of my existence. Gusto kong isigaw kay Papa na may Calix pa
bukod kay Kuya Clarence.
"Each time Dad told me that he wished it was me who died, I die inside-many times. Bigo akong
umuuwi sa bahay natin. 'Tapos madaratnan kita, naghihintay. Your mere presence brought me back to
life, Chryzelle." Masuyong ngumiti si Calix kasabay ng paglaglag ng mga luha ni Chryzelle. "I knew
how much you loved me. Buong-buo iyon at ramdam na ramdam ko. Pero noong panahong iyon,
naisip ko, gusto ko ring buuin ang sarili ko para maibigay ang katulad ng pagmamahal mo. I realized
that only these past few days. That's why for the past years, I strived and still failed in my father's eyes.
Pero wala na akong pakialam doon. Kahit paano naman, naibangon ko na ang sarili ko pero naiwala
naman kita. And I am so, so sorry."
Pinahid ni Calix ang mga luha ni Chryzelle. "Mahal na mahal kita. You were the only constant person in
my life for the past years. Hindi ko nga lang naiparamdam." Bumalatay ang matinding pagsisisi sa anyo
nito. "Nagkulang ako sa time management. Nagmadali kasi akong mabuo ang sarili ko." Natawa ito
nang mapakla. "Nagmadali akong patunayan ang sarili ko nang magkaroon ako ng pagkakataon."
"Calix..." Pumiyok ang boses ni Chryzelle.
"The end. That's the lousy story." ngumiti ang kanyang asawa pero hindi iyon tumagos sa mga mata
nito. "I wished to tell you that before. I wasn't the best husband, I know. Kaya bumabawi ako sa
maikling oras natin ngayon. At kung sakali na kulang pa rin, pasensiya na. Hindi ko na alam kung
paano makakabawi pa."
Masuyo siyang hinalikan ni Calix sa noo bago siya iniwang natitigilan sa kanyang opisina.