The Trouble With Good Beginnings

Chapter 20



Chapter 20

“ANAK naman, birthday mo ngayon.” Pumiyok ang boses ng ina ni Holly. “That’s something your dad

and I will always remember. Because that was the very day that I gave birth to the two most beautiful

girls I’ve ever seen in my whole life. Hindi namin malilimutan ang ganoon kaimportanteng araw.”

“Talaga?” Napahugot ng malalim na hininga si Holly. “Pero bakit pakiramdam ko, naaalala nyo lang ang

mga bagay tungkol sa akin pero ako mismo, kinalimutan nyo?” Hindi niya na napigilan ang pagragasa

ng mga emosyon. Birthday niya ngayon. Kahit sa araw lang na iyon, pakakawalan niya ang lahat ng

nararamdaman.

“Araw-araw, tatlo tayo dito pero pakiramdam ko, nag-iisa pa rin ako. Ni hindi ko kaya maabot kahit na

anong gawin ko. Ang layo-layo nyo. Bakit naman gano’n, mommy? Ano bang kasalanan ko sa inyo ni

daddy? Para maayos ko. Hindi nyo naman sinasabi kaya hindi ko maintindihan.

Nang magdesisyon kayo na pumuntang England, gusto kong sumama. A part of me wanted to

understand your reasons but there’s also a part of me that couldn’t help but be hurt. Dalawa kayo roon.

Pero ako, mag-isa lang dito. I couldn’t even stop you from leaving when both of you seemed so eager

to walk away from me, to put a distance between us.” Pumatak ang mga luha ni Holly. “Mom, dad, ano

bang nagawa ko? Sabihin nyo naman, please. Para makabawi ako.”

Nagulat si Holly nang ibaba ng ina sa buhanginan ang dalang cake. Bigla na lang siya nitong sinugod

ng yakap. Napahikbi siya. She had missed her mother’s embrace. “Alam ko, marami na akong sablay

bilang anak. Pero aayusin ko ‘to, mommy. Pangako-“

“Ssh.” Napahagulgol ang ina. “I’m so sorry, Holly. We left because we were so guilty about Hailey’s

death. Pakiramdam namin, hindi kami naging mabuting magulang sa kakambal mo. Ni hindi namin

alam na may sakit siya noon. She suffered all by herself. Pakiramdam namin, napakawalang kwenta

naming mga magulang. Hindi pa kami nakakabawi ng husto sa kanya nang kunin siya ng Diyos. Wala

kang kasalanan, anak.”

Bahagyang lumayo kay Holly ang ina. Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. “We just couldn’t look at

you without remembering Hailey, without being hurt, without feeling guilty and without feeling that we

failed her. You remind us about our failure. Kinailangan naming lumayo pansamantala dahil

naramdaman naming sumasama na ang loob mo. Natakot kaming mas magkasakitan lang tayo kapag

nagsama-sama tayo. Our only mistake was that we didn’t explain our side to you. Because you were

right, we were so eager to escape, to run away.

And when we left you, we failed as parents again.” Lumuha ang ina. “Ang akala namin,

masosolusyonan ng pag-alis namin pansamantala ang lahat pero nagkamali kami. Lalo lang lumala at

naging komplikado ang mga bagay. Patawarin mo kami, anak. Naging makasarili kami.”

“I’m sorry, too about what I said and did, princess. Patawarin mo si daddy.” Wika naman ni Alfar na

inabot ang palad ni Holly. Namamasa na rin ang mga mata nito. “Naiintindihan ko naman ang mga

dahilan ni Aleron. Kinausap kami ni Lucia, ang kanyang ina, noong unconscious pa kayo pareho ni

Aleron sa ospital. Humingi siya ng tawad at ipinaliwanag ang lahat sa amin.”

Napasinghap si Holly. Hindi nabanggit sa kanya ni Nick ang bagay na iyon.

“Pero natakot akong tanggapin muli si Aleron. Dahil sobra-sobra ka kung magmahal. At dahil sa

pagmamahal mo sa iisang tao, ilang beses kang nasaktan. Natakot ako dahil ikaw na lang ang

mayroon kami ng mommy mo. The moment I heard that you were shot, my instinct was to take you

away from Aleron immediately. Nawalan na kami at hanggang ngayon, dala-dala namin ng mommy mo

ang sakit na dulot niyon. We couldn’t take another loss, Holly. We won’t survive it. Kapag may nangyari

uli sa ’yo, hindi na namin alam ng mommy mo kung anong gagawin. Iyong mga nasabi ko sa ospital,

dala lang ‘yon ng pag-aalala ko.”

Pareho sila ng ina na ikinulong ni Alfar sa mga braso nito. “When we all came here, we were at loss.

Again. Dumistansya uli kami. I’m sorry that we came back to our senses a little too late. Parati kitang

nakikita. But I kept seeing Hailey in you that’s why I couldn’t look at you. But today, while you were

standing here, I saw you-for the first time after a long while. I finally saw Holly.” Ngumiti si Alfar. “I saw

you and it doesn’t hurt like it did before. Nakita kita at kasabay niyon, nakakita ako ng pag-asa. It took a

while but at least, hope showed finally. Mahal kita, Holly. And daddy is sorry.”

Gumanti ng mas mahigpit na yakap si Holly sa mga magulang. Wala ng karagdagan pang kailangang

sabihin. Nauunawaaan niya na. At ngayon ay tanggap niya na. Her parents had their shortcomings but

then again, so was she. Hindi rin maiiwasan sa pamilya ang humantong sa ganoong sitwasyon. Pero

alam niyang sa pagkakataong iyon ay mas matibay na sila kaysa sa dati. Dahil hindi birong unos ang

nalampasan nila. At higit pa roon ay may natatanaw na pag-asa hindi lang ang daddy niya kundi pati

sila ng ina. Pag-asa. Malaking bagay iyon para sa kanila.

“I’m sorry too, mommy and daddy. I love you both so much.”

“Si Aleron, mahal mo ba talaga siya, anak?” Ani Alfar na bahagyang bumitaw kay Holly.

Sunod-sunod na napatango siya. “Yes, dad. Sobra.”

Ilang sandaling pinakatitigan siya ng kanyang ama bago ito bumuntong-hininga. “Ipapakabit ko na ang

linya ng telepono. Call him and tell him to meet with me sooner before I change my mind.”

Sa pagkakataong iyon ay si Holly na ang sumugod ng yakap sa ama. “Maraming salamat, daddy! You

don’t know how much this means to me-“

“Ma’am! Sir!” Agad na naputol ang mga sasabihin pa sana ni Holly nang bigla na lang humahangos na

dumating ang isa sa mga kasambahay nila. “May gwapong nananawagan po para kay ma’am Holly sa

TV!”

KUSANG gumuhit ang sinserong ngiti sa mga labi ni Aleron habang pinapanood ang ina na mukhang

natataranta sa pagbi-bake sa kusina. Niluwagan niya ang suot na kurbata at sumandal sa hamba ng

kusina.

Iyon ang isa sa mga naalala niyang pangarap ni Athan noong bata pa ito: ang makitang nagluluto ang

ina at ang matikman ang mga luto nito. Hindi man iyon magagawa pang tikman ng ama niya o ni Athan

ay alam niya na saan man naroroon ang mga ito ay masaya ang mga ito.

Matapos niyang ma-discharge sa ospital may apat na bwan na ang nakararaan ay ang ina ang

nakiusap na samahan at alagaan siya. Nang kahit paano ay nagagawa niya nang makakilos ng

maayos ay nagpaalam na ang ina pero pinigilan niya ito at inalok na manatili na lang sa mansyon.

Tunay ngang malaki ang ipinagbago nito. Nag-enroll ito sa isang cooking class at ilang linggo na

siyang nakakatikim ng mga masasarap na inihahain nito.

Naalala niya rin ang matinding pagkailang ng ina nang malaman nitong sa balkonahe siya natutulog

dahil sa mga naiwang marka ng mga karelasyon nito sa buong mansyon. Sinamahan siya nito sa

balkonahe matulog sa loob ng tatlong bwan. Wala itong reklamo. Araw-araw ay humihingi ito ng tawad.

At alam niya, sa puso niya na napatawad niya na ito. Iyon lang naman ang hinihintay ng puso niyang

sabik rin sa ina. Kaya sa kalaunan ay isinuko niya na rin ang dating mansyon nila at tuluyang iniwan

ang bakas ng kahapon roon.

Lumipat sila sa bahay na plano niya sanang iregalo noon kay Holly noong kasal nila. Doon sila bumuo

ng mga bagong alaala ng ina, mga alaalang sa pagkakataong iyon ay masaya niyang babaunin parati

sa puso niya.

Ayon rito ay na-realized lang nito ang mga pagkukulang nito noong huling pag-uusap nila. Katibayan

roon ang hindi nito pag-withdraw ng tseke na ipinaabot niya rito sa pamamagitan ng sekretarya niya

noon. Pinilit umano nitong baguhin ang buhay nito. Umalis ito sa pinapasukang bar at iniwan si

Romulo. Pero hindi matanggap ni Romulo ang paghihiwalay ng mga ito kaya parati umano itong

ginugulo. Nang idemanda nito ng harassment ang lalaki may isang bwan na bago ang nangyaring

insidente sa sementeryo ay doon lalong nagalit si Romulo kaya siya daw ang binalingan lalo na at

kilala siya nito.

“Anak, kanina ka pa ba dyan?” Ani Lucia nang sa wakas ay mapuna ang presensiya ni Aleron.

Anak. Sa tuwing naririnig niya iyon mula mismo sa mga labi ng ina ay naroroon pa rin ang hindi niya

maiwasang init na pumapasok sa puso niya. Tumango siya sa ina. Gumanti ito ng ngiti na agad ring

naglaho nang bumalik ang mga mata nito sa niluluto nito.

“Iyong mga sinabi mong paboritong pagkain ni Holly, wala ng problema doon, anak. Na-master ko na

‘yon.” Nilingon siya ng ina at kinindatan. “Pero ‘yong mga sinabi mong paboritong pagkain ng mga

magulang niya, patay tayo doon, anak. Iyon ang problema. Mga foreign dishes pala ang mga iyon. Ni

hindi ko ma-pronounced dahil nakakabulol. Mukhang kakailanganin ko pang bumalik sa cooking class

ko. Ayoko pa naman na sana.” Kumunot ang noo nito. “Ang istrikto pa naman ng nagtuturo. Parati

akong pinag-iinitan.”

Natawa si Aleron. “You just have to be you, ‘ma. Sapat na ‘yon. Lejardes’ are really nice people. Hindi

mo kailangang mag-alala sa kanila. Anumang ihain mo, tatanggapin nila.”

“Maraming salamat, anak. Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin sa kabila ng lahat.” Gaya ng

dati ay emosyonal na naman ang ina. Niyakap siya nito. “Habang-buhay kong ipagpapasalamat ang

pagkakataong ito, Aleron.”

Gumanti ng yakap si Aleron sa ina. Marahang tinapik-tapik niya ang likod nito. “Hawak ng Diyos ang

plot sa bawat kwento ng tao. Pero tayo pa rin ang sumusulat nito, iyon ang gusto kong paniwalaan.

And as writers, we have the power, Aleron. Maaring hindi natin kontrolado ang ilang pangyayari pero

may sarili pa rin tayong mga panulat. Nasa mga kamay pa rin natin kung ano ang isusulat. Depende pa

rin sa atin ang magiging takbo ng lahat. That’s why every person is responsible for his story. Kung

paano mo man ito gustong isulat, malungkot o masaya, nasa sa ’yo ‘yon.” Naalala niyang wika ni Holly

noong magkasama pa sila.

Sadyang napakalaki ng epekto sa kanya ni Holly. Binago nito ang buhay niya. Iniba nito ang kwento

niya. Dahil sa dalaga, unti-unti ay naisusulat niya ng mas maayos ang lahat. Ikaw na lang ang kulang,

Holly.

How he missed his girl. Alam niya kung saan ito matatagpuan. Ipinahanap niya ito at ang mga

magulang nito para makampante ang loob niya. Sa ngayon ay basbas na lang ng mga magulang ni

Holly ang hinihintay niya. Ilang ulit niyang pinuntahan si Holly sa Laguna pero matindi ang ginawang

pagharang sa kanya ng mga gwardya roon. Nanggaling na rin siya ng araw na iyon sa kilala niyang

may-ari ng broadcasting company at lakas-loob na nanawagan sa national television. Ideya iyon ng

kanyang ina na dahil desperado ay siya ngang sinunod niya.

Napabuntong-hininga si Aleron. Bawat segundong hindi niya nakakasama si Holly ay daig niya pa ang

isang ibon na tinanggalan ng mga pakpak. Napatingala siya. Lord, isa na lang naman ang hiling ko.

Ibigay nyo na ‘to sa akin, please. I won’t mess up again, I promise.

“I AM Aleron Williams, a simple man who fell hopelessly in love with a very wonderful woman. Her

name is Holly Lejarde. It was my first time to love. At gaya ng mga taong unang beses sumubok sa

gano’ng aspeto, sumablay ako. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kami magkasama ni Holly ngayon.

Kaya nananawagan po ako kay Holly at sa lahat ng mga Lejarde. Please give me a chance, this one

last chance. Nakahanda po akong gawin ang lahat ng gusto nyo. Just please, don’t ask me to let go of

Holly. I can’t. And I don’t think I can ever do that. Natawa si Holly nang maglaro sa isip ang napanood

na panawagang iyon ni Aleron sa telebisyon dalawang araw na ang nakararaan. Nag-iwan pa ito ng

contact number. At noong nagdaang gabi matapos nilang makabalik sa Maynila ng mga magulang ay

ang ama niya na ang mismong tumawag kay Aleron.

Napakapribadong tao ng binata at hindi niya inakalang hahantong ito sa ganoon. She felt a tinge of

pride for her man. Nakatakda silang magkita sa kanilang mansyon ng gabing iyon. Pero bago iyon ay

nagpasama na muna si Holly kay Mang Dante sa simbahan kung saan sila dapat ikakasal noon ni

Aleron. Malaki ang papel na ginampanan ng simbahang iyon sa buhay niya. At gusto niyang bumalik

roon na wala ng sama ng loob sa pagkakataong iyon.

Kapaparada pa lang ni Mang Dante ng sasakyan nang may panibagong sasakyang huminto roon.

Kumabog ang dibdib ni Holly. Pamilyar sa kanya ang itim na sports car na iyon. Lalo pang lumakas ang

kabog ng dibdib niya nang lumabas ang isang lalaki mula roon. Mabilis na napalabas rin si Holly.

Nagtama ang mga mata nila ng binata. God… napangiti si Holly. Sa wakas ay nagtagpo rin silang

dalawa sa simbahang iyon eksaktong isang taon mula nang maudlot ang kanilang kasal.

“My knees are suddenly shaking. Please come here right now.” Nangingiting wika niya. Hindi na siya

nagdalawang-salita. Mabilis na tinawid ni Aleron ang distansya sa pagitan nila. Agad siya nitong

ipinaloob sa mapagpalang mga bisig nito.

“I love you. I love you. I love you.” Paulit-ulit na bulong ng binata.

Natawa si Holly sa kabila ng pamamasa ng mga mata. “And I love you, too.”

“I’m glad I came here. Nakita kita ng mas maaga.” Idinikit ni Aleron ang noo sa noo ni Holly. “I’ve

missed you every single second. Tinupad ko ‘yong gusto mo. My mom and I finally reunited. Binigyan

ko siya ng chance. She’s staying with me now and-“

Hindi na nakatiis na inabot ni Holly ang mga labi ni Aleron at hinagkan ang mga iyon. Dininig ng Diyos

ang dasal niya. Higit pa nga roon kung tutuusin. Dahil pati ang pagkakataong iyon ay iniregalo Nito

para sa kanila. Isang napakalaking bagay ang natutunan niya sa relasyon nila ni Aleron. Iyon ang

kahalagahan ng tamang panahon. Tamang panahon para sa paglimot, para sa pagpapatawad at para

sa pagmamahal. At ngayon na ang kanilang tamang panahon. Kuntentong ipinikit niya ang mga mata.

Aleron was kissing her like he was taking all the time in the world, na para bang iisa sila ng iniisip, na

para bang alam nito na iyon na ang oras nila. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay magkahawak- All content © N/.ôvel/Dr/ama.Org.

kamay na pumasok sila sa simbahan. Magkatabi silang naupo sa unang hilera roon. May kinse minuto

pa bago magsimula ang misa kaya mangilan-ngilan pa lang ang tao roon. Inihilig niya ang ulo sa

balikat ng binata.

“Apat na anak ang gusto ko para marami, para masaya.” Parang nangangarap na wika ni Holly.

“Ano pa?”

“Kada summer, pupunta tayo sa isla. Iyong pangalan ng magiging unang anak natin ang ipapangalan

natin roon. Pero saka na natin iyon isipin.”

“Ano pa?”

“Iyong pangako mong mga libro sa akin, ha? Isu-surrender ko na ‘yong mga books ko bukas.”

“Ano pa?”

“Kailangang may pirma ng mga nagsulat ang mga iyon. Sasamahan mo akong magpa-sign, ha?”

“Ano pa?”

Nangingiting nag-angat si Holly ng mukha at humarap kay Aleron. “Next time na ‘yong iba. I’m too

happy that I can’t think properly right now. Ikaw? Wala ka bang demand?”

“Wala na. Kasama na kasi kita. Lahat ng gusto mo, gagawin natin. Gaya nga ng sinabi ko dati, if you

want a house filled with books, sige lang. Basta may espasyo pa para sa ating dalawa, walang

problema. Ikaw ang masusunod, commandress.” Kinindatan siya nito. “Kaya bahala ka na sa akin.”

Natawa si Holly. “Kung ganyan ba naman ang sasabihin mo kay daddy, wala ring magiging problema

mamaya.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.