KABANATA 19
Matapos ang kainan nila ay umalis na nga kaagad sa hapag sina Hyulle at Althea, inalalayang muli ni Althea ang binata, kaya lihim na lamang siyang napaismid sa dalawa ng makita niya ang mga ito, si Hyulle ay nakakapit sa braso ni Althea habang halos yakapin na rin ito ng dalaga, at tinapunan pa siya ng masamang tingin na para bang naghahamon ng away.
Pasalamat ka alam kong mahina ako, pagkasabi niya no'n sa kanyang isip ay napalingon sa kanya si Althea."Naghahamon ka ba talaga?" tanong nito sa kanya. Tumaas lang ang kilay niya rito, at nagpanggap na walang alam. "Problema mo?"
"Ikaw ang problema ko!"
"Tama na nga iyan, ihatid mo na ako sa silid ko, magpapahinga na muna ako," singit ni Hyulle sa dalawang babae na tila ilang segundo na lang ay parang mga asong magsasagpangan.
Kapwa lumalabas ang mga pangil ng mga ito. Parehong matapang at ayaw padadaig sa isa't isa. Tumalima na man si Althea sa binata, at umirap nang makahawak na muli sa braso nito. Sabay pa silang naglaho sa harapan niya. "B'wisit! Sakit-sakitan, dumating lang ang bruhang iyon, para na siyang animo'y malapit nang mamatay sa mga ikinikilos, kung 'di ko pa alam ay gusto talaga niyang maka-score dun sa isa, at iyong isa naman, halatang matagal nang may pagnanasa, siyempre nakikita niyang may pangangailangan iyong isa, kaya sinasamantala naman!"
"Anong iniisip mo, Iha?" tanong ni Manang Martha, na hindi niya alam na kanina pa pala siya pinagmamasdan dahil sa pagsimangot niya.
"A, wala ho, ang mga lalaki nga naman, kahit na kailan hindi kayang mamuhay ng isa lang ang babae sa tabi, kaya hindi po ako naniniwala kahit pa sa isang werewolf!" nasabi niya sa matanda.
"Ano kamo Iha?" natanong na naman nito na tila mas maguluhan sa mga pinagsasabi niya.
"Ha, nako e, wala ho iyon Manang Martha," nasasamid pa niyang muling sagot sa matanda.
Hinipos na niya ang mga pinakainan nila at tinangkan dalin sa kusina. "Nako, kami na iyan Senyorita Polina, ang mabuti pa ay alagaan mo na lang si Sir Hyulle, may sakit yata si Sir," sambit naman ni Aling Selya. Samantalang napansin niya ang lihim na pag-ismid ni Ate May sa kanya. "Ho, nako hindi ho, wala hong sakit iyon," paanas pa niyang sambit.
"Hindi natitiyak kong may kakaiba sa kanya, nitong mga huling araw pa, kasi, ngayon lang nagkaganyan si Sir Hyulle, at lumakas rin siyang kumain, noon naman kahit hindi siya kumain ng karne, o uminom ng gatas ay walang problema, ngayon, nagtataka nga rin ako, bakit kaya parang nanghihina si Sir Hyulle?" wala sa loob na nasambit din ni Manang Martha.
Nasa isang gym siya, isa sa bahagi ng mansiyon, doon siya nag-eensayo at nagpapalakas ng katawan. Doon rin niya pinanonood ang mga bala ng VHS player.
Isinalang niya roon ang ilang mga palabas na may intraction kung paano nakikipaglaban ang mga tao, ilang sikat rin na personalidad ang kanyang pinanonood ng mabuti, kaya naman sa isang iglap lang ay marami na siyang nalalamang iba't ibang klaseng self defense.
Kaya lang ay alam niya pa rin sa sarili niya na mahina pa rin siya. Napatitig siya sa mga palad niya, matapos pagsusuntukin ang punching bag na nakabitin sa harapan niya.
Kontrolado naman niya ang pisikal na lakas niya. Pero hindi iyon ang kailangan niya, hindi lang pisikal na lakas ang nais niyang makuha, kundi ang kapangyarihan, kakaibang kapangyarihan, alam niyang kung magagawa na niyang marinig ang iniisip ni Hyulle, o ni Althea, doon pa lang niya masasabing malakas na ang kanyang kapangyarihan.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Muli na naman siyang sumuntok sa punching bag, at dagling nabutas iyon, mabilis na bumuhos ang laman no'n sa sahig. Napasalampak na lamang din siya sa lapag habang nagngingitngit sa inis at galit sa dalawang werewolf na alam niyang magkasama na ngayon sa loob ng silid.
Sa mahiwagang silid ni Hyule. "B'wisit!" Inis na naman niyang naibato naman ang hinubad na boxer gloves sa sahig rin. Tumayo siya at naiinis na lumabas ng Gym. Leggings lang at fitted spaghetti strap tank top lang ang suot niya nang mga sandaling iyon, kaya naman hubog na hubog ang katawan niya.
Hindi naman niya sinadya, ngunit naiinis siyang nagtungo sa mahiwagang silid ni Hyule. Nagulat siya nang makita niyang tila may kakaibang liwanag ang bumabalot sa labas pa lamang ng silid.
Nagtaka siya, at nakadama ng pag-aalala para sa binata. Kaya naman mabilis niya iyong binuksan at, "Hyule!" nasambit niya pagbukas niya ng pintuan. Ngunit natigilan siya nang makita niya si Althea, na nakaibabaw sa binata. Kapwa sila hubad! Mabilis siya napatalikod muli, hindi niya alam kung anong kilos ang gagawin niya. Gusto niyang umalis at tumakbo, pero para bang may pandikit ang ilalim ng suot niyang sapatos, at hindi manlang niya magawang iaangat ang mga paa niya para humakbang.
"Anong nangyayari sa akin?" Nakita na lang niya ang kanyang sarili na may mga nag-uunahang maiinit na likido na isa-isang umaalpas mula sa kanyang mga mata, at ilang sandali lang ay nahihilam na siya sa sarili niyang mga luha. Nasasaktan ba ako? Mariin niyang naitanong sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano at kaninong reaksiyon ang unang tumatak sa kanyang isipan. Kung kay Hyule ba na nakita niyang nasasarapan sa ginagawang iyon ni Althea, o si Althea na kitang-kita niyang nasa ibabaw ng binata. Ngunit tila ba hindi siya nakikita ng mga ito.
Nasa loob sila ng tila kulay asul na barier, hindi niya alam kung ramdam nila o alam nila na naroon siya. O baka naman hindi nila alam, para kung sakaling may mga tao nga naman na pumasok sa loob ng silid nila ay hindi sila makikita. "Ngunit dahil sa ako ay isa ring werewolf nagagawa kong maaninag mula rito sa kinatatayuan ko ang kanilang ginagawa, kung paano nila pinagsasaluhan ang isang bagay na ako dapat ang gumagawang kasama ni Hyule," Ngunit sa halip na tumalikod ay malakas ang loob niyang hinarap ang dalawa, hindi niya maunawaan ang sarili niya. Pero tila ba may kung anong klase ng damdamin ang umiiral sa kanya ng mga oras na iyon. Isang klase ng damdaming para bang hindi niya kayang kontrolin. Ang makita ang mate niya na nasa piling nang ibang kandungan.
Ang lalaking labis niyang iniibig! Hindi niya maunawaan, may kung anong enerhiya ang tila lumalabas sa kanyang katawan at bumabalot sa kanya. "Anong ginagawa niyo! Itigil niyo na iyan!" malakas na sigaw ang ginawa niya. Sa isang iglap ay nasira ang barier na bumabalot kina Hyule. Nagulat si Hyulle at mabilis itong napabangon. At halos mahulog si Althea dahil kamuntik na niyang maitulak itos sa kama. At nang makita na niyang na-interup na niya ang dalawa ay saka pa lamang siya nakahinga ta naka hakbang palayo sa silid na iyon. Nang mapansin niyang hinahabol siya ni Hyule, bigla na lamang niyang nagawang papaglahuin ang kanyang sarili.
"PRINSESA!" naisigaw na lamang ni Hyulle nang bigla na siyang nawalang parang bula.
"Anong nangyari? Kaya na palang maglaho?" natatarantang tanong ni Althea.
"Hindi ko akalaing lumakas siya, nagawa niyang maglaho."novelbin
"At nagawa niyang sirain ang barier ko! Nakaka b'wiset siya!" napapasigaw na sambit naman ni Althea.