Chapter 8
Chapter 8
I’VE MISSED you today, Attorney.”
Nahinto sa pagsusuklay si Yalena nang bigla na lang marinig ang boses na iyon. Sa pamamagitan ng
salamin ay nakita niya si Ansel. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakasandal ito sa hamba ng pinto
ng kanyang kwarto habang ang mga kamay ay nakapamulsa sa suot na slacks. Agad na napangiti
siya. In his gray suit, Ansel looked dashing.
Hindi niya narinig ang pagbukas ng gate. Siguro ay noong nasa banyo siya at naliligo ay saka
dumating si Ansel. Ayaw nitong isauli sa kanya ang duplicate key ng kanyang bahay kaya madalas ay
nasosorpresa na lang siya kapag biglang sumusulpot doon ang binata anumang oras nito gustuhin
gaya na lang nang gabing iyon. Nang magkita sila kinaumagahan ay ipinauna na nitong hindi
makasasabay sa kanya sa hapunan dahil may dinner meeting ito sa isang investor.
Napasulyap siya sa wall clock. Alas-onse pasado na ng gabi. Bahagya pa siyang naasiwa dahil
katatapos niya lang mag-shower at nakaroba lang siya nang mga sandaling iyon.
“Parang gusto ko ng papalitan ang lock ng front door bukas na bukas din. Para mapalitan na rin ang
susi. Namimihasa ka nang basta na lang pumapasok.”
“`Wag naman,” natatawang sagot ng binata. “I just had to see you tonight. Ang plano ko talaga, silipin
ka lang dahil baka tulog ka na. Nevertheless, I’m happy to see you’re still awake. I’m happy to have this
conversation with you. Alam mo namang hindi na ako sanay matulog nang hindi ka muna nakikita.”
Kinindatan siya nito. “Pwede bang dito na lang ako? Para less hassle. Tutal umaga’t gabi, nandito rin
naman ako. Saka tatlong beses na rin yata akong nakatulog rito—”
“Hep.” Itinaas ni Yalena ang isang kamay. “Don’t push your luck, Mr. McClennan. Saka hindi ko
natandaang kusa kitang pinatulog dito. Ikaw ang bumabalik kapag nakakatulog na ako.”
Muli ay natawa si Ansel. Tuluyan na itong pumasok sa kanyang kwarto. Hinubad nito ang suot na suit
at inilagay sa isang stool doon. “I just can’t help but worry. You were having nightmares, Yana. Kung
sasagutin mo lang ako, magpapakasal tayo agad. I’m not getting any younger anyway. Saka para hindi
na ako nagmumukhang magnanakaw na pumapasok dito para lang makasigurong maayos ang
pagtulog mo.”
Napasinghap si Yalena. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagbanggit si Ansel ng tungkol sa
kasal. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang sandalan ng silyang kinauupuan niya.
“`Di ka na dapat nagulat. `Sabi ko naman sa `yo, seryoso ako. Hindi kita liligawan kung hindi. Kaya nga
lahat ng gusto mo, sinusunod ko. When you told me almost a month ago that I can’t kiss you, I followed
you though that was the hardest thing to do. Because you knew how much I love kissing you. But I
can’t do that unless you say yes.” Inirolyo ni Ansel ang long sleeves polo nito at mayamaya ay inalis
ang kurbata bago ito yumuko at marahang niyakap si Yalena mula sa likuran. “Na-miss talaga kita
buong araw, Attorney.”
Yalena smiled, overwhelmed. Gustong-gusto niya kapag tinatawag siya nito sa palayaw niya. But she
also liked hearing him say attorney. Dahil punong-puno iyon ng lambing. Parang iyon na ang naging
endearment ng binata para sa kanya.
“Hmm… do you have evidence to support your statement?” sa halip ay sinabi na lang niya. Iniwasan
niyang magkomento tungkol sa kasal dahil hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin tungkol doon.
“Yes, I have, your honor.” Gumanti ng ngiti si Ansel. “First, you can check on your phone. Nakailang
tawag at text na ako sa `yo pero wala kang sinagot ni isa. Nag-alala na ako. Pwede mo ring tanungin si
Jasmine, ‘yong secretary ko. I almost didn’t bag the deal because I was distracted. Dahil puro ikaw ang
iniisip ko, you wicked laywer.”
Napakagat-labi si Yalena. Halos dalawang oras pa lang ang nakararaan simula nang umalis sa town
house niya si Dennis. Naging abala na siya sa pag-iisip nang umalis ito. Ni hindi niya na nasilip ang
kanyang cell phone. Nangungumusta si Dennis tungkol sa kanilang plano. Magaan ang loob niya sa
huli. Siguro ay dala na rin iyon ng katotohanang halos iisa lang sila ng pinagdaanan. Sa palagay niya
ay mabuti talaga itong tao.
Sadyang binago lang ang puso ni Dennis ng nangyari sa pamilya nito. Sabagay sino siya para
manghusga kung pareho lang sila? Gaya ng mga nakaraang pag-uusap nila ay wala siyang sinabi sa
binata dahil totoong wala pa siyang nalalaman tungkol sa kinaroroonan ni Benedict. Minsan niya nang
sinabi rito ang kasalukuyang kondisyon ng matandang lalaki pero wala daw itong pakialam.
Napahugot si Yalena ng malalim na hininga. Ilang beses nang nagtangkang magbukas ng usapin si
Ansel tungkol sa pamilya nito, tungkol sa mga magulang nito, pero kadalasan ay nakahahanap siya ng
paraan para mapigilan ito at para mabaling sa iba ang takbo ng kanilang usapan. Dahil bigla ay natakot
siyang marinig ang mga sasabihin ng binata, natakot siyang mayroong malaman. Nagpahaging na rin
si Ansel noong mga nagdaang araw na gusto nitong makilala niya ang mga magulang nito pero pilit na
iniignora niya iyon. Iniiwasan niyang may matuklasan tungkol kay Benedict nang sa ganoon ay
maiwasan niya ring isipin na nagtatraidor siya kay Dennis.
“When I first met you, I thought that all you’d give me was a pile of headaches and troubles. Pero
nagkamali ako. Nang makilala kita, nagsimula akong mapagod sa mga nakasanayan ko. I suddenly
desired a simple but meaningful life with you… just you.” Bahagyang humiwalay kay Yalena si Ansel.
Inikot nito ang kanyang silya paharap dito. Lumuhod ito at hinawakan ang kanyang mga kamay.
“Contrast to what the society thinks about us, McClennans’ are no gods. We will never be. If truth be
told, we’re weak. Nagpapanggap lang kaming kontrolado namin ang lahat para pagtakpan ang mga
kahinaan namin. And people embrace the façade we’re showing. But in reality, we’re powerless,
Yalena. Dahil negosyo lang ang kaya naming kontrolin. Bukod do’n ay wala na.
Nakita mo na sina Alano at Austin at kung paano nila itrato sina Maggy at Clarice. Aligaga ang mga
‘yon at natataranta pa pagdating sa mga asawa nila. I’ve seen the pain, difficulties, and frustrations
they went through for the women they love. Kaya siguro umiwas akong magseryoso. I’ve been told na
malubak ang daan papunta sa babaeng minamahal. Natakot akong pagdaanan ang malubak na `yon.
So I opted with the safe road. Tantiyado ko kasi. And then you came.” Hinawakan ni Ansel ang mga
palad ni Yalena. “And I’m glad you did. Because I don’t think I would be half the man I am now if not
because of you.”
Napalunok si Yalena. “Ansel—”
“Sssh.” Inilagay ng binata ang dalawang daliri nito sa kanyang mga labi. “Gusto ko nang ibahagi sa `yo
ang lahat ngayon. Please don’t try to stop me again. Umaasa ako na pagkatapos nito, palarin ako at
ikaw naman ang magbahagi ng tungkol sa sarili mo. Lumaki akong gago, abusado, at walang pakialam
sa kahit na sino. When I want something, regardless if it’s a property or a woman, I would really go and
get it.” Bumakas ang panliliit sa anyo ni Ansel. “That’s just the way I am. Lagi akong nasesermunan ni
Mama dahil sa ugali kong minana ko daw kay Papa. Back then, I just couldn’t see the sense of caring
about people you don’t know, to people you’re not related with. At naniniwala akong hindi ko ‘yon
namana kay Papa. Because that old man is a lot better than I am.”
A lot better? Natensiyon si Yalena. Pakiramdam niya ay gustong bumaliktad ng sikmura niya sa mga
narinig.
“We just happen to become our own actors and actresses at times. The viewers will only see what the
actors and actresses wanted them to see. Parang si Papa,” patuloy ni Ansel. Kuminang ang mga mata
nito. “I honestly think that Dad is a beautiful man inside despite of all the negative things the business
industry says about him. Nararamdaman ko `yon sa puso ko, Yana. Sa tingin ko ay hindi lang siya
nabigyan ng tamang pagkakataon para ipakita ang mga magagandang bagay na meron sa kanya.”
Nag-init ang mga mata ni Yalena. Napayuko siya. Gustong-gusto niya nang sumabog at aminin ang
lahat sa binata. But she just could not destroy the man Ansel seemed to adore so much. Destroying his
father’s image would mean destroying his long-time beliefs. Bukod pa roon, sa uri ng paghangang
nakikita niya mula sa mga mata ni Ansel para sa ama nito, magawa kaya siyang paniwalaan nito
sakaling sabihin niya man ang katotohanan?
“Siguro ay narinig mo na ang kwento ng mga magulang ko. They got drunk one night and something
happened to them. Ako ang naging bunga. Ako rin ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. But it
doesn’t work out though I saw them tried because Dad happened to be in love with someone else.
Noong una, nakakasama ‘yon ng loob. Pero maswerte pa rin kami nina Alano at Austin. Meron kaming
mabubuting magulang. Oo at naghiwalay sila pero hindi ko masasabing nagkulang ang isa. Mabuting
tagapagtaguyod si Dad. Kahit hindi kami madalas nagkikita noon, he sees to it that whenever he visits,
hindi lang kami basta mag-uusap. Doon ko siya nasimulang magustuhan. He doesn’t reveal much
about his self but he tries to reach out. There was this time when I was about twelve or thirteen, when
he finally introduced his self to me. Ang sabi niya, siya raw si Benedict.”
Narinig ni Yalena ang masiglang pagtawa ng binata.
“Na para namang hindi ko pa alam ang pangalan niya. He said he’s a lousy father and a brokenhearted
man. I was young and it was Christmas so imagine my amazement when those words were what I
heard from him. Nang oras na iyon ko siya na-appreciate nang sobra. There was just something in his
eyes back at that very moment that made me want to be like him.” Napatikhim ang binata. “Not the
lousy father or the brokenhearted man, though. I saw his warmth. Sa gitna ng pinakita niyang
kahinaan, nakita ko ang lakas niya.
“Sa gitna ng pag-amin niya, nakita ko kung sino talaga siya. And I realized for the first time why my
Mom still loves him until now. Dahil may puso rin pala siya. Nakita ko ‘yon noong gabing iyon.
Nagkapuso daw siya nang matuto siyang magmahal… parang ako. Naging mahina rin ako nang dahil
sa `yo. That’s why I ask you to take care of me. Because believe it or not…” Masuyong iniangat ng
binata ang kanyang mukha. “McClennans’ are vulnerable, Attorney. That vulnerability shows when
we’re in love.”
MARIING nakagat ni Yalena ang ibabang labi sa mga naalala. Dahan-dahang bumangon siya at agad
na tinakpan ng palad ang bibig. Napahikbi siya. Inamin na ni Ansel sa kanya ang lahat noon… mula sa
sitwasyon ng ama nito hanggang sa lokasyon niyon. Nang magtanong siya ng eksaktong address ng
matandang lalaki ay masayang sinagot pa iyon ni Ansel dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay kusa
na raw siyang nagtanong nang tungkol dito at sa pamilya nito.
Pero hindi niya magamit-gamit ang mga natuklasan. Hindi niya maituloy-tuloy ang plano. Ni hindi niya
iyon magawang aminin kay Dennis. Naramdaman niya ang pagbangon din nina Maggy at Clarice pati
na ang pagyakap ng mga ito sa kanya.
Nang araw na umalis siya sa kanyang town house ay nagpunta siya sa lupaing ibinenta nila noon ng
kakambal. Hinati-hati iyon ng bagong nagmamay-ari at pinatayuan ng mga apartments. Walong pinto
iyon. Tig-apat sa kaliwa’t kanan na magkakaharap. Sa likod niyon ay naroroon pa rin ang kanilang
dating swimming pool pero wala na iyong tubig. Doon siya nagtago pansamantala para makapag-isip.
Inokupa niya ang dulong apartment doon.
Pero pagkalipas ng dalawang araw ay nasorpresa siya sa pagdating ni Maggy. Naabutan siya nitong
nasa swimming pool. Noong nagdaang araw ay si Clarice naman ang dumating. Walang anumang
sinabi ang mga ito at nanatili lang sa tabi niya.
“We just know we’d find you here. Ganyan naman tayo kapag natatakot. Bumabalik sa comfort zone.”
Ang tanging narinig ni Yalena mula sa mga ito. Simula niyon ay sinamahan na siya ng mga ito
hanggang sa kanyang pagtulog gaya ng nakasanayan nilang gawin noong mga dalagita pa lang sila.
At sa puso niya ay malaki ang pagpapasalamat niyang hindi siya hinayaan ng mga ito na mapag-isa
nang tuluyan.
“For sixteen long years, we’ve kept that tragedy in the deepest part of our hearts!” aniya nang sa wakas
ay pakawalan ang mga nagsusumigaw na emosyon sa puso niya. “Now, why should we forget that just
because of our love? Bakit tayo na lang lagi ang nagdurusa?” Napahagulgol siya. “Bakit tayo na lang
lagi ang talunan? Dahil sa pesteng pagmamahal na `yan, tayo na naman ang mag-a-adjust?”
Gumaralgal ang kanyang boses. “Nagagalit ako kasi mahal ko siya. Nasasaktan ako kasi mahal ko
siya. Dahil hindi ito ang tamang oras para magmahal. At kung sakaling ito man ang oras na `yon, hindi NôvelDrama.Org owns all content.
dapat sa kanya. Hindi dapat sa isang McClennan.”
Humigpit ang pagkakayakap ni Clarice kay Yalena. “I was like that too, Yana. Noong akala ko, dehado
ako dahil nagmahal ako. And then I realized… hindi lang pala ako ang nag-a-adjust. Kasama ko pala
ang anak ng kaaway na gumagawa niyon. Mahal tayo ng mga anak ni Benedict. Ilabas na natin sila
mula sa komplikasyong ito. `Wag na natin silang idamay. It was hard for me and I know it was harder
for you because you’ve been pretending all these time.”
Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Yalena sa mga narinig.
“Matagal na nating kilala ang isa’t isa. And we knew that Maggy was just faking her strength after the
tragedy. Iyong mga hindi niya nailuha, tayo ang lumuha para sa kanya. And then one day, you learned
the art of deception. You started to pretend you’ve moved on in front of me, Maggy, and Tito Harry. And
your intention was good. Para nga naman hindi kami mag-alala. But, Yana, ikaw ang nabaon sa
ginawa mo. Pero ngayon, may pagkakataon ka nang bumangon. Gawin mo. You can rise from this,
Yana.”
Bahagyang humiwalay si Yalena mula kina Maggy at Clarice. “Paano?” Nabasag ang kanyang boses.
“Paano ba bumangon?”
Pinahid ni Clarice ang mga luha ni Yalena. “Use Ansel’s love to fix the pieces of the thirteen-year-old
girl inside you. Labing-anim na taon ang nawala sa atin dahil sa mga nangyari. Napakahabang
panahon na ang nasayang. Nalimutan na nating maging masaya, maging bata, at ang mangarap na
tulad ng iba. Panahon na siguro para alalahanin naman natin ang mga nalimutan na natin. Let yourself
heal. Let yourself love Ansel and let Ansel love you.”
“I can’t.” Napailing si Yalena. “What about the justice that I promised to my parents—”
“To our parents,” ani Maggy. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Sinalubong niya ang mga mata
ng kakambal. “Can’t you see, Yana? Justice had been served a long time ago. Benedict is paying more
than the price he deserve. Nawala na sa kanya ang lahat. While you,” ngumiti ito. “You gained
everything. Walang nawala sa atin. I’ve realized that now. Masaya na ang mga magulang natin.
Palayain na natin ang mga alaala nila.
“Dahil sa mga itinakda nating misyon, baka hindi na sila magkaroon ng katahimikan. Tumigil na tayo.
Dahil nanalo na tayo bago pa man tayo nagsimula. The McClennans’ love, isn’t that the biggest price of
all? The fall of Benedict, the fall of his sons whom we considered the thorns in our goals, hindi ba’t ‘yon
naman ang gusto natin? And Yana, we achieved that. Nagtagumpay pa rin tayo.”
Hindi nakaimik si Yalena. Inabot niya ang kakambal at mahigpit na niyakap na siya ring ginantihan nito.
Gumalaw ang mga balikat nito, palatandaan din ng pagluha. Hindi nagtagal ay yumakap din si Clarice
sa kanila. Sabay-sabay silang tumangis, isang bagay na hindi nila nagawa nang magkakasama noon.
Ipinikit niya ang pagod nang mga mata.
“Ask yourself this. Ito rin ang tanong ko sa sarili ko noon. Kung makakausap kaya tayo ng mga
magulang natin ngayon, ano kaya ang mga sasabihin nila sa atin? Ano kaya ang gusto nilang gawin
natin?”
Natigilan si Yalena. Parehong relihiyoso ang kanilang mga magulang. Ang mga ito ang nagturo sa
kanilang manalig.
Manalig. Isa sa mga bagay na kay tagal niya nang nakalimutan. Sa muling pagmulat ay bahagya pa
siyang nasilaw sa liwanag na tumatagos sa bintana. Liwanag na dala ng mataas na sikat ng araw. At
pagkalipas ng mahigit labing-anim na taon ay ngayon niya tunay na nakita ang liwanag. She welcomed
it like a blind woman who finally got to see the sun for the first time in her life. Iniangat niya ang palad at
sinalubong ang liwanag.
Kung para sa ilan, ang pag-ibig ay nakabubulag, para sa kanya, iyon ay nakalilinaw ng mga mata.