Chapter 62
Chapter 62
Lukas
"Ano pang hinihintay mo? Alis na! Bago pa magbago ang isip ko."
"Salamat talaga Eris, salamat!" Halos mayakap ko na siya sa tuwa, pero tinabig niya ang aking kamay.
It is just a friendly hug, pero siguro sadyang gusto na niyang magparaya
Napakasaya ko talaga ngayon, naayos ko na ang sa amin ni Eris. May isang bagay na lang ako na
dapat ayusin. Kailangan na namin mag-usap ni Anikka.
First thing in the morning, agad kong inayos ang mga dapat ayusin sa opisina. Halos sumakit na ang
ulo ko, dahil panay walang kwenta ang mga nababasa ko, Pero hindi ko na inalintana iyon, this is a big
day dapat hindi ko iistress ang sarili ko baka pumangit pa ako sa paningin ng Mahal ko.
Maya maya ay narinig ko na nagring yung phone ko, hindi ko na sana sasagutin dahil unregistered
number naman.
"Lukas bilisan mo, umalis ka na diyan now na!" Agad ko naman nakilala ang boses ng nagsasalita. It
was Nicole.
"Bakit." Tanong ko, nagtataka rin ako bakit ganoon ang boses niya, parang nagpapanic. May nangyari
bang masama kay Anikka. No!
"Basta umalis ka na bilisan mo!
"Bakit nga?!" Medyo magpapanic na ang boses ko, sobrang kaba ang nararamdaman ko, pakiramdam
ko ay may mangyayari na hindi ko gusto, baka napaano na si Anikka ko.
Nakakainis naman kasi bakit ayaw niya pang sabihin. Pinapakaba pa ako niya ako.
"Aalis si Anikka ngayon! Malamang nasa airport na yung babaeng iyon. Ni hindi man lang nag-paalam
sa amin ni Yen. Hay!" Para akong nanigas sa kinakatayuan ko, na may sumabog sa loob ko. Aalis si
Anikka, Iiwan na niya ako?
"Basta bilisan mo! Pigilan mo!" Agad akong bumalik sa aking sarili,
Hindi na dapat ako magpaligoy-ligoy pa.
Dali dali akong tumakbo palabas. Kailangan ko siyang mahabol agad agad. Hindi sigurado ako na hindi
pa siya nakakalayo.
This would be my last chance to get her, hindi ko ito dapat ipasawalang bahala, dahil maaring mawala
siya ng tuluyan sa akin, pati na ang magiging anak namin.
Hindi maaring mangyari iyon, lalo pa at ayos na kami ni Eris at hindi na siya manggulo pa sa aming
dalawa.
"Sir may pipirmahan pa po kayo." Agad akong hinarangan ng secretary ko, hawak ang santambak na
mga folder. Muntik ko pa siyang masagi dahil paharang-harang siya sa daan.
"Just give it to my old man." Mabilis kong sabi at tumakbo na palayo. Alam kong tinatawag pa ako ng
secretary ko, pero hindi ko na iyon pinansin, hindi mahalaga sa akin ang mga tambak na folder na
hawak niya. Mahalaga sa akin na mahabol ko si Anikka, na mabawi ko siya muli.
Halos paliparin ko na ang sasakyan patungong airport. Kailangan ko talaga siyang mahabol, hindi ako
pupwede na magtagal.
Putangina traffic.
Tila wala pang usad ang mga sasakyan. Napaka-goodtiming naman oo! Dammit! Hindi ba talaga
uusad ang mga sasakyan na ito. Kailangan ko pang mahabol ang mahal ko!
Bullshit! This is bullshit! Kung pwede ko lang hawiin ang mga sasakyang nakaharang sa harapan ko,
para lang makarating sa airport!
Airport? teka? Hindi ba NAIA na itong natatanaw ko?
Kasunod ay may natanaw ako ay isang papaalis na eroplano.
Baka si Anikka na ang susunod doon, o di kaya siya na ang laman ng eroplano na iyon.
No! Hindi. Nasa airport pa siya Lukas. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Babawiin mo pa siya diba?
Dali dali akong bumaba sa sasakyan ko. Mas maganda pa kung takbuhin ko ang pag-punta ko sa
airport. Baka mas mabilis pa ang magiging usad ko, kaysa sa paghintay ng mabagal na usad na mga
sasakyan. Baka hindi ko pa siya maabutan doon.
I need run as fast as I can, It's like I'm running for my life, because I might lose her anytime.
Kailangan kong bilisan bago pa muhuli ang lahat. Ayokong tuluyan siyang mawala sa akin dahil hindi
ko kakayanin. Kailangan mahabol ko siya, kailangan makuha ko siya pati ang magiging anak namin.
Magkakapamilya na kami, hindi dapat ako sumuko.
Anikka
"Anak sure ka ba na aalis ka?" Sabi ni Mama ng bumitiw siya ng yakap sa kanya. Mahirap din sa akin
na malayo sa kanila, dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na aalis ako sa puder nila. Kahit pa
madalas akong sitahin ni Mama noon.
"Yes ma." Sabi ko. Oo mahirap, pero dapat ko itong kayanin para sa sarili ko at sa magiging anak ko
"How about the law school." Umiling na lamang ako, sayang isang sem na lang at matatapos ko na,
pero sa ngayon, wala pa na ang pag-aabogado sa isip ko, baka hindi ko pa iyon magampanan ng
maayos, lalo pa at buntis ako.Maybe next time, baka bumalik din ako.
The important thing to me is that, this will be a new life with me, kasama ko dito yung ang magiging
anak ko. Kakayanin ko ito, isinusumpa ko sa sarili ko na magiging malakas ako para sa aming dalawa.
Si Lukas naman, oo mahal ko siya. Infact iniisip ko ba kung kaya ko ba siyang iwan. Para bang gusto
kong maniwala sa mga sinasabi niya. Pero hindi maari, dahil malinaw na malinaw na ang lahat sa akin.
Kahit mahirap siyang kalimutan, dahil siya ang lalaking una kong minahal. Isa rin siya sa dapat kong
kalimutan, kahit na anak niya ang nasa sinapupunang ito.
Nagpanggap ako na may kahalikan kagabi, pero umalis siya at di na umasa pa, magiging mahirap sa
akin kung patuloy pa rin siyang lalapit sa akin. Mas maganda na kalimutan na lang niya ako.
Magkakalimutan kami.
This is it!
Bumuntong hininga ako bago pumasok sa may airport. This is it, nandito na ako, ang unang hakbang
sa pagbabago ng aking buhay.
Habang naghihintay sa aking pag-alis ay naisipan ko muna ilabas yung libro na isauli ni Nicole sa akin,
yung The little prince ko, ang tagal kong hinahanap yung libro kong iyon, nasa kanya lang pala.
Agad kong pinulot ang papel na nahulog.
Please read this
Unang tingin ko pa lang sa sulat ay agad kong nakilala ang handwriting nung nagsulat, It's Eris'.
Napangiti ako, hindi pa pala nagbabago ang sulat kamay niya.
"Tara na Anikka."
Lukas
Nag-angat ako sa malaking LCD screen ng airport, halos manlumo ako sa nakita.
Nakaalis na yung flight patungong france. Hindi maari, hindi! Bakit niya ako nagawang iwan?
Tumingin ako sa kanan ko, kitang kita ko ang pag-alis ng eroplano. Tuluyan na siyang nawala sa akin.
I lost her. I really lost her.
Sabihin niyo sa akin na hindi ito nangyayari, hindi ito totoo. Pagising ko, alam ko na kami pa rin.
Pero kailangan kong gumising sa realidad, na wala na siya.
Bakit ba kasi tanga tanga ko! Napakapabaya ko! Bakit ko hinyaan na mawala siya.
I am such an asshole. Napakawalang kwento kong tao, hinayaan ko lamang sila na mawala sa akin. Ni
hindi ko man lang siya naabutan.
Hinang-hina akong lumuhod sa sahig at dahan dahan din na tumulo ang aking mga luha.
"Lukas."
Anikka
I'm so sorry friend, I am really reaaly sorry sa mga nagawa ko sa inyong dalawa Hindi totoo na may
nangyari sa amin ni Lukas. Gawa gawa ko lang ang lahat, gusto ko lang naman kasi na mahalin niya
muli ako. Pero sa tingin ko, hindi na niya ako mamahalin pa dahil kitang kita ko sa kanya kung gaano
ka niya kamahal. Lukas loves you very much. You should know that.
Please take care of him, mahalin mo siya ha.
I'm sorry my friend
"Anikka saan ka pupunta?!" Dali kong hinila ang maleta ko pabalik. No I should not leave this place
never, lalo pa at alam ko na ang totoo. Walang ginawa si Lukas sa akin, wala siyang kasalanan sa mga
nangyayari.
Tila sising-sisi ako sa mga ginawa ko kay Lukas. Pakiramdam ko ay napakasama ko kasi lagi ko
siyang tinataboy, sinasaktan kahit wala pala siyang ginagawa na masama. I should believe him in the
first place, hindi dapat ako nagpaniwala na nakikita ko. Pinanghawakan ko na lang sana na mahal niya
ako.
Sana hindi pa huli ang lahat, sana mapatawad niya ako sa mga nagawa ko. Sana.
Halos lumiwanag ang mundo ko ng makilala ko ang taong nakatalikod sa harapan ko.
Hindi ko maaring magkamali.
Lukas
Siya nga ba talaga ang nasa harapan ko.
Siya nga! Si Anikka mismo ang nakatayo sa mismong harapan ko.
Agad siyang tumakbo patungo sa akin at laking gulat ko na yumakap siya sa akin.
Hindi ko mapigilan na ngumiti, napakasaya ko na nasa bisig ko na siya ngayon, ang babaeng mahal
ko.Sana ay hindi ito panaginip, sana totoo na ito.
"I'm sorry Lukas." Aniya habang humihikbi sa aking bisig. Hinimas ko ang kanyang buhok, para
makasigurado na siya talaga ang yumakap sa akin.Owned by NôvelDrama.Org.
"Shhh don't cry baby. I hate to see you cry. Wala kang kasalanan, Ako ang dapat na magsorry sayo.
Please smile na." Niyakap ko siya muli ng pagkahigpit-higpit. Ayoko na kasi na mawala pa siya sa akin.
Baka hindi ko kayanin na mawala siya. Baka ikabaliw ko pa iyon, kaya hinding hindi ko na siya
hahayaan na umalis.
Kumalas muna ako sa kanya.. Kailangan ko muli siguraduhin na matatali na siya talaga sa akin.
................... .