Chapter 59
Chapter 59
Lukas
"Umiinom ka na naman." Sabi ni Eris habang inaagaw niya yung baso sa akin. Hindi ako papaawat sa
kanya. Masama akong tumingin sa kanya, pagkamuhi lamang ang nakikita ko sa kanya.
Akala ko maayos ko, masyado akong naging desperado, dapat hindi ko sinunod si Eris. Mas lumala pa
ang lahat. This pain is killing me. Sa tuwing naalala ko sa isipan ko na ayaw niya sa akin. Hindi ko
matanggap, hinding hindi. This is worst than the time Eris left me. I dont know how could I get over it.
Anikka is the love of my life. Sana pinatay na niya lang ako.
"Lukas nandito naman ako e, ako na lang." Aniya pero tinabig ko ang kanyang kamay. Hindi ko siya
kailangan. Manhid yata itong babaeng ito at hindi niya ramdam iyon. Masyado siyang nagpupumilit sa
amin, dahil doon nasira kami ni Anikka.
"Just stay away please!"
"Lukas let me love you again." Maiyak-iyak na niyang sabi.
"Pakiusap Eris, wala ka nang babalikan sa akin. Umalis ka na bago pa mawala ang natitira kong
respeto sayo."
Pagkaalis niya ay ibinuhos ko ang lahat. I let myself cry, habang inaalala ang mga nangyari kanina.
Those are not supposed to happen. Hindi rin ito kasalanan ni Eris, kasalanan ko ito dahil naging
pabaya ako.
I should have hold Anikka, fight for her, kahit na ilang beses na niya akong ipagtabuyan.
Anikka
Natauhan ako nang tapikin ni NIcole.
"Oh ayan pinaghain ka na namin, baka sakaling mabawasan yang sakit. Alam naman namin na stress
reliever mo yan e. Kaya yan kain na." Ani ni Nicole habang inaabot sa akin ang isang platong
carbonara.
Agad akong umiling, ayoko yung amoy para akong nasusuya. Teka? Favorite ko naman ito dati pero
bakit para akong masusuka pag naamoy ko.
"Layo niyo nga sa akin yan." Sabi ko ng hindi ko na makayanan yung amoy. Hindi ko alam kung bakit
pero ayaw ko talaga sa carbonara.
"Ang selan selan mo girl gustong gusto mo naman ito dati e. Ito na lang spaghetti." Pagkamaamoy ko
pa lang ay tinabig ko na ito, tulad din ng carbobara, ayoko rin ang amoy nito, hindi ko talaga
makukuhang kainin ang mga ito.
"Anikka, ano bang nangyayari sayo. Mga paborito mo yung nakahain tapos ayaw mo. Masyado ka ba
talagang depressed kay Lukas." Napatingin ako sa nagsasalita na si Nicole, hindi ba obvious na sobra
pa rin akong nagdudusa sa sakit na dulot niya. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit wala talaga
akong gana at ganito akong umasta.
Uminom na lamang ako ng tubig, wala rin naman akong balak kainin ang mga pagkain sa lamesa.
"Hala Anikka, please huwag naman ganito, kumain ka. Pinapatay mo lang ang sarili mo." Sabi ni Mitch
at tumapat pa sa akin. "Live Anikka, Live. Huwag mong hayaan na sila ang manalo. You better grip
your self up, mag-ayos ka, maging malakas ka."
Mapait akong napangiti kay Mitch. Sobrang tama ang kanyang sinabi, masyado akong
nagpapapalugmok sa Lukas na iyon. Pero kasi ang sakit sakit e. Ganito pala ang pakiramdam. Lagi
kong pinagtatawanan yung mga di makakain pag broken hearted. Now, same thing happens to me,
hindi rin ako makakain, sobrang lungkot ko.
Yeah I'll try to make this thing up. Hindi dapat ako magpaapekto.
"Uy may kukunin nga pala ako doon sa may admin. Samahan niyo naman ako." Tumango na lamang
ako at agad na lang umalis, wala rin naman kaming gagawin doon.
Pagdating doon ay agad akong nairita, dahil medyo mahaba ang pila at mainit sa loob. Agad akong
kumuha ng papel at ginawa itong pamaypay.
Maya maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Ang init init kasi dito dahil sa dami ng tao, lalo pa at
mukhang may putok itong katabi ko.Tila umiikot na ang aking paningin, humawak na lang ako kay Yen
bilang pag-alalay.Hilong hilo na talaga ako, pinipilit ko na lang ang sarili ko. Sana ay matapos na ito,
baka di ko na talaga kayanin.
"Anikka!"
Iyon na lang ang narinig ko ng magdilim ang aking paningin.
..........................
"Doc ano po ba ang nangyari sa kaibigan namin. Bakit siya nahilo, kumain naman po siya kanina,
aircon naman po doon sa may admin kaya hindi maiinit." Nagising na lang ako sa boses ni Nicole.
Inilibot ko ang aking paningin, nasa puting puti akong kwarto at ang amoy pa lang ng paligid ay alam Têxt belongs to NôvelDrama.Org.
na alam ko na kung saan ako.
Nakatingin lamang ako sa kanila habang nag-uusap. Mukhang na
"Oh gising na pala yung pasyente."
"Nasaan yung asawa mo?" Kumunot ang aking noo, wala pa akong asawa. Fiance? No way! Wala na
siya sa buhay ko. Bakit siya nagtatanong ng ganoon, mukha bang kailangan ko siya.
"Bakit doc natanong niyo, may fiance---" Naputol na lang ang pagsasalita ni Nicole ng bigla akong
harapin ng doctor.
"You'll be needing him right now." Agad akong nagtaka, bakit ko naman kakailanganin ang manloloko
na iyon.
"Doc paano niyo nasabi."
"Congratulations Ms. Fuentes you're 3 weeks pregnant."
Para iyong bomba sa akin at napahawak sa may tiyan ko. The doctor must be joking.
.................
Hinihimas ko ang aking tiyan, I'm carrying his child now, while looking at the pregnancy kits that we
bought kanina. I just want to make sure. I really never see myself as a mother. Pero nangyayari na
magiging ina na ako.
Nakapikit ako habang dinadama ang hangin na tumatagos sa akin. Naisipan ko muna na mapag-isa,
para mas makapag-isip ako ng mabuti.
Nagbunga kami ni Lukas. Mapait akong ngumiti. Kanina naiinis ako dahil anak ito ni Lukas, na siyang
kinamumuhian ko ngayon. Pero napagtanto ko na hindi dapat ganoon, hindi dapat ako mamuhi sa
kanya porque may dugo ni Lukas na may dumadaloy sa kanya. Anak ko siya at nabuo siya sa
pagmamahal kahit pa hindi talaga ako minahal ni Lukas. This baby is my child, from my flesh and
blood.
Bumuntong hininga ako ng bigla kong maalala ang nangyari kagabi. May kaunting kirot akong
naramdaman.
No I should not feel this.
Magiging malakas ako para sayo anak. Hindi na ako papatalo sa sakit na dinulot ng daddy mo. I should
move on.Sayo ako huhugot na lakas anak. Ikaw lang at ako.
I suddenly remember my family, how can I say this to them. I bet they will be happy with the news. Pero
paano kapag nalaman nila na nangyari sa amin ni Lukas.