In A Town We Both Call Home

Chapter 4



Chapter 4

“SO, Lea, will you marry me?”

Biglang nasamid si Lea sa narinig. Mula sa pinagmamasdang girl friend ni Jake hindi kalayuan sa

kanya ay lumipat ang tingin niya sa kaharap na si Timothy, ang pinakabagong kliyente niya na

pinaunlakan niya sa alok nitong kumain sila sa labas pagkatapos ng meeting nila ilang oras na ang

nakararaan.

Natawa ang binata kasabay ng pag-abot ng baso ng tubig sa kanya na agad niya namang tinanggap.

Halos maubos niya ang laman niyon. Nang bahagyang bumuti na ang lagay ng lalamunan ay nag-iinit

ang mga pisnging muli siyang humarap sa binata. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni

Timothy. Matagal-tagal na rin simula nang huli niyang subukang makipag-date at umasa na sa

ganoong paraan ay magagawa niyang malimutan kahit pansamantala si Jake. Pero parating hindi iyon

nangyayari.

Kung tutuusin ay marami ang nanliligaw kay Lea, kliyente niya man o hindi. Maraming nakahandang

magbigay sa kanya ng atensiyon, atensiyon na para sa kanya lang. Sa mga iyon ay siguradong hindi

siya maipagkakamali sa iba. She will be loved exactly as Lea and not as someone else. But the more

she tries to forget, the more her heart remembers.

Nag-iisa siyang anak kaya naman sabik rin ang mga magulang niya na mas mapalaki pa ang kanilang

pamilya. Kaya gusto na ng mga itong makahanap na raw siya ng lalaking magmamahal sa kanya at

nang makabuo na raw siya ng sariling pamilya. Alam ng mga ito ang nararamdaman ni Lea para kay

Jake kaya ang mga ito pa ang mismong nagpupumilit sa kanyang makipag-date na sa iba para daw

makalimot na siya. At siyempre, deep inside ay gusto niya rin iyon.

Gusto niya nang makalimot. Lea was just a simple woman after all who dreamed of marrying the one

she loves and to build a family with him. Pero napakahirap gawin iyon lalo na at wala siyang ibang

pinangarap na makasama sa pagtanda maliban sa self-proclaimed na best friend niya.

Kung siya lang ay gusto niya na ring sukuan si Jake. Tutal ay masasaktan lang siya nang paulit-ulit rito.

Pero makulit ang puso niya. Gustong-gusto niya nang magmahal ng iba. Pero hindi niya mapilit ang

tumitibok na bahagi na iyon ng katawan niya na sa kabila ng idinadaing ay nakukuha pa ring maging

masaya tuwing malapit si Jake.

Wala sa loob na napabuntong-hininga si Lea sa naisip.

“That’s the third time.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “What do you mean?”

Muling ngumiti si Timothy. Maaliwalas ang bukas ng gwapong mukha nito. Unang beses niya pa lang Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

itong nakita noong nakaraang linggo ay may pakiramdam na siyang mapagkakatiwalaan niya ang mga

mata nito na para bang parating nakangiti. Ang mga matang iyon na hindi niya nagawang tanggihan

ang dahilan kung bakit siya nito napapayag na sumama rito nang gabing iyon.

Besides, it was Valentine’s Day. Taon-taon nang nag-iisa si Lea sa ganoong okasyon, sa ganoong

sandali kung kailan ayaw niya man ay mas nagiging emotional pa rin siya. Dahil sa ganoong mga

sandali rin ay para bang automatic na bumubukas ang mga sugat sa puso niya. At ang nag-iisang

dahilan ng mga sugat at siya rin lang makagagamot sa mga iyon ay abala naman sa piling ng iba.

Kaya ginusto niyang baguhin naman ang nakasanayan kahit sa gabi lang na iyon.

Nakakatawa. She had been trying almost all her life just to heal the wounds in Jake’s heart. Parati

siyang nasa tabi nito. Nasa tabi lang nito. Pero parang hindi niya talaga nagagawang gamutin ang sakit

sa puso nito. Parang inaako niya lang. Parang napupunta lang iyon sa kanya. Kaya sa pagdaan ng

panahon, palalim rin nang palalim ang mga sugat niya. Kaya minsan ay nag-aalala na rin siya. Paano

kung masobrahan na siya sa mga sugat, isang araw? Dahil ang mga sugat na iyon, nanatili lang sa

puso niya. At hindi kahit na kailan magagamot. Because when she was the one who needed to be

cured, Jake was missing. He was never there to heal the wounds when he was the one who actually

brought them in her heart.

Pero mukhang sinusundan pa rin si Lea ng mga alaala ni Jake hanggang sa gabing iyon. Dahil

naroroon sa mismong restaurant na kinaroroonan niya ang girl friend nito. Hindi niya iyon nakilala ng

personal pero minsan niya nang nakita. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ibang lalaki ang

kasama ng babaeng Lucine ang pangalan. Magkahawak-kamay pa ang mga ito at ang lagkit ng

tinginan sa isa’t isa. Hiwalay na ba ito at si Jake? Pero kailan pa?

“That’s the third time I’ve heard you sigh. Is that so bad thinking about marrying me that you had to do

that?”

Napaawang ang bibig ni Lea sa narinig.

Kinindatan siya ni Timothy. “Just kidding. Kanina ka pa kasi parang distracted habang nakatitig sa

kabilang mesa. And I don’t really understand why.” Inginuso nito ang lalaki sa mesang tinutukoy. “Are

you interested in that guy?”

“Of course not.” Mabilis na sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ni Timothy. Pero sa kabila niyon ay hindi maitatanggi ang pilyong kislap sa mga

mata nito. “Then it’s actually the woman there that you liked? Oh, man.” Napahawak pa ito sa dibdib.

“That just broke my heart.”

Napailing si Lea. Pero mayamaya lang ay napangiti na rin. “Puro ka biro. The truth is, that woman there

is my best friend’s girl friend.”

“Hmm… I see.” Napatango-tango si Timothy. Tuluyan na itong huminto sa pagkain. Sumandal ito sa

upuan at pinakatitigan siya. Sa pagkakataong iyon ay naglaho na ang kislap sa mga mata nito.

Pakiramdam niya ay may natuklasan na kung anong napakahalagang impormasyon tungkol sa kanya

ang binata. At bigla ay hindi siya mapalagay. Nag-iwas siya ng tingin. Muli ay ibinaling niya ang mga

mata sa mesa nina Lucine para lang masorpresa nang mahuling naghahalikan na ang dalawa.

Mayamaya pa ay umalis na rin ang lalaking kasama ni Lucine habang ito ay nanatili lang roon. Ilang

minuto pa lang ang lumilipas nang makita niyang pumasok si Jake sa restaurant. Hindi niya alam kung

anong pumasok sa isip niya at nagmamadaling yumuko siya at itinabing ang buhok sa kanyang mukha

nang mapadaan ang kanyang bestfriend sa gilid ng mesa niya para hindi siya nito makita. Nang

makalagpas na ito ay saka niya ito muling tiningnan. Nakaupo ito sa mismong upuan na binakante ng

kasama ni Lucine. Matamis na ngumiti ang huli kay Jake at sinalubong pa ito ng halik sa mga labi.

Napasinghap si Lea. What the heck?

Hindi na naalis pa sa dalawa ang tingin ni Lea. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito pero

parang seryoso iyon dahil nawala na ang ngiti sa mga labi ni Lucine. Mayamaya pa ay may dinukot na

kung ano si Jake sa bulsa ng coat nito. Mukha iyong tseke. Inilapag nito iyon sa mesa pagkatapos ay

tumayo na. Matapos silipin ang tseke ay para bang galit na galit na tumayo na rin si Lucine. Pinunit nito

iyon at lumapit sa patalikod na sanang si Jake. Pinigilan nito ang huli sa braso. Dinampot nito ang wine

glass at isinaboy ang laman niyon sa kaibigan niya pagkatapos ay nauna na itong lumabas ng

restaurant.

Kumuyom ang mga kamay ni Lea sa nakita lalo na nang matuon ang atensiyon ng mga kumakain sa

kaibigan niya. Ganoon pa man ay pinigilan niya ang sariling tumayo. She knew that that was the last

thing that Jake would want her to see. Parang walang anumang dinukot ng binata ang panyo sa bulsa

at pinunasan ang mukha bago nag-iwan ng pera sa mesa at umalis na rin doon.

Hindi nagtagal ay nag-ring ang cell phone niya. Hindi man silipin ni Lea ay alam niya na kung sino ang

nasa kabilang linya. Pero hindi niya iyon sinagot. Nag-vibrate rin iyon sa bulsa niya nang ilang beses

pero nanatiling hindi niya iyon sinisilip. Humarap siya kay Timothy na nahuli niyang nakatitig pa rin sa

kanya. Apologetic na ngumiti siya rito. “I’m sorry. I know I was… a mess tonight.”

“No problem. When you’re in love, you really become the very person you never thought you would

be.” Gumanti ng ngiti si Timothy. “So, Jake is your best friend.”

Napalunok si Lea. Pinilit niyang iwasan ang naunang sinabi nito. “Paano mo siya nakilala?”

“We joined the same fraternity a couple of years ago.” Nagkibit-balikat ang binata. “You are very

transparent, Lea. It’s Jake, isn’t it? He’s the one that you love. Siya ang dahilan kung bakit hindi ka

mapakali nang makita mo ang girl friend niya rito. Dahil sa kabila ng sakit na nararamdaman mo, nag-

aalala ka pa rin para sa kanya. I’m familiar with the way you look at him. Your eyes revealed your life

story. You’re in love with your best friend.”

Hindi siya nakasagot.

Inabot ni Timothy ang kamay ni Lea na nakapatong sa mesa. Rumehistro ang pang-unawa sa mga

mata nito. “It’s okay. I understand. Nagmamahal ka. Wala namang dapat na ikahiya ro’n. Jake is one

hell of a lucky man. I hope he get to realize that soon. Kung gusto mo nang umalis para puntahan siya,

maiitindihan ko rin. May pakiramdam akong siya ang tumawag sa ‘yo kanina.”

Namasa ang mga mata ni Lea sa sinabi ni Timothy. Nang silipin niya ang cell phone ay napatunayan

niyang si Jake nga iyon. Nagpadala rin ito ng text message at sinabing pupunta raw ito sa apartment

niya. Ayaw niya man ay bigla siyang nakaramdam ng pagrerebelde. May problema ito. May problema

na naman ito. Kaya naalala siya nito. Kaya pupuntahan siya nito. Ang masama pa, pupuntahan siya

nito at haharapin bilang si Leandra na naman. He needed her.

And just like before, she will be there to listen once more. Hanggang kailan ba siya makikinig ng mga

kwentong parati na lang may kinalaman sa iba? Kailan kaya maiisip ng binata na kailangan niya rin ng

makikinig sa kanya?

Oo, masaya si Lea na may nalalaman sa buhay ni Jake. Walang kaso sa kanya ang maging

tagapakinig nito. But she needed a listener, too. She needed to be heard, too.

Jake may knew her. But he only knew half of her story. He only knew half of her heart. Malaya niyang

nasasabi sa binata ang mga bagay na gusto niya maliban sa nararamdaman niya. And… it hurts. A lot.

Dahil ang puso niya ang mas gusto niyang ibahagi sa binata. Pero iyon pa iyong hindi pwede. Gaya ng

sinabi ni Timothy ay napaka-transparent niya. Napakarami nang nagsabi niyon sa kanya. Madaling

malaman ng mga tao ang nasa loob niya. Pero si Jake ay nananatiling hindi nakakahalata. Noon ay

parati niyang pinapaalala sa sarili na mabuti na lang talaga at matalino, gwapo, at mabait ang binata.

Those traits could somehow compensate to his only flaw: ang pagiging manhid nito.

Pero sa gabing iyon ay parang hindi magawa ni Lea na maging positibo at ang bagay na iyon na lang

ang isipin. Because for someone who claims to be her best friend, isn’t he being a little too…

insensitive?

Kilalang-kilala niya na si Jake. Ilang babae na rin ang dumaan sa buhay nito na ang iba ay naipakilala

pa nito sa kanya. Ang pinakamatagal ay si Lucine na inabot ng pitong buwan kaya naman todo ang

naging pagseselos ni Lea sa huli lalo pa at minsan niya na itong nadatnang tulog kasama ang best

friend niya sa mismong kwarto ng huli sa mansion nito.

Pareho ring kumot lang ang nakabalot sa katawan ng mga ito. Ang ilan rin sa nagiging dahilan ng

paghihiwalay ng mga ito ay ang kasal na sa hindi niya maunawaang dahilan ay hindi pa maibigay ng

binata. Hindi niya naman masisisi ang mga iyon sakaling maghanap na ng singsing. Jake was

everything any woman could ask for. Pero maligalig ang binata na parang parating may hinahanap na

kung ano sa mga nagiging girl friend kaya wala itong tumatagal na relasyon.

Ngayong mukhang finally ay tapos na ang relasyon nito kay Lucine, dapat ay matuwa si Lea. Pero

hindi niya na iyon makapa sa puso niya hindi tulad ng dati. Dahil alam niyang sa kabila ng pagiging

single na naman ng kaibigan ay napakaimposible pa ring ikonsidera siya nito bilang babaeng pwedeng

mahalin.

Napakalapit lang parati ni Jake. Sa sobrang lapit ay kayang-kaya niyang hawakan. Pero napakahirap

nitong abutin. Napakahirap habulin ng puso nitong para bang panay ang iwas sa pagmamahal, panay

ang takbo.

May sariling susi si Jake ng apartment ni Lea. Kabisado niya na ang technique nito. Pupunta ito roon at

maglalabas ng frustrations. At para hindi niya iyon mahalata agad ay magpapa-good shot na muna ito.

Ipagluluto siya nito. May bonus pa iyon dahil ito ang maghuhugas ng pinagkainan nila pagkatapos.

Pero ang ihahain nito sa kanya ay ang mga pagkain na ang akala nito ay paborito niya dahil lang sa

simpleng rason na madalas niya rin iyong kainin noong nabubuhay pa si Leandra. Dahil ang huli ang

orihinal na may paborito ng mga pagkaing iyon. Ni hindi niya sigurado kung may alam ang binata kahit

isa man lang sa mga paborito niya.

Matatanggap niya siguro ang hindi siya mahalin ni Jake bilang babae. Kahit mahalin lang siya nitong

bilang kaibigan… bilang si Lea. Ang kaso ay hindi ganoon. Alam niyang nangako siya sa binata kaya

hindi siya dapat maghinanakit. Pero ilang taon na ang lumipas. Hindi niya naman magawang

pangunahan si Jake at sabihing itigil na ang pagtrato sa kanya bilang ang kapatid nito. Dahil sa kabila

ng hapdi sa puso niya ay ayaw niya pa ring masaktan ito. Umaasa siyang isang araw ay ito na ang

magkusa at matutunan siyang harapin kung sino talaga siya.

Nag-iisa lang si Lea sa apartment niya sa Maynila dahil nananatili pa rin sa probinsya nila sa

Pangasinan ang mga magulang. Tagaroon ang mga Calderon at Marinduque. Pero nasa Maynila ang

karamihan sa mga negosyo ng pamilya ni Jake. Kaya doon na nito piniling magkolehiyo pati na sila ni

Leandra. At dahil kasama nila roon si Jake na pinagkakatiwalaan nang husto ng kanyang mga

magulang ay pumayag na rin ang mga ito.

Pero kahit noong nag-aaral pa si Lea ay bumukod siya ng tirahan. Nag-dorm siya noon malapit sa

pinapasukang University kahit pa ang gusto ng magkapatid ay sa mansion na ng mga ito roon tumuloy.

Sobra na kung pati ang matutuluyan ay iaasa niya pa sa mga ito. Nang magkaroon na ng sariling

trabaho ay saka lang siya lumipat at tumira sa isang apartment.

Pero buwan-buwan ay umuuwi si Lea sa Pangasinan o kaya ay siya ang dinadalaw ng mga magulang

sa Maynila. Sadyang hindi nga lang makatagal ang mga ito roon. Dahil kadalasan ay hanggang tatlong

araw lang ang mga ito sa apartment niya. Pareho nang nagretiro ang mga magulang niya sa

pagtatrabaho. Ang ama niya mula sa pagiging family driver ng isang mayamang pamilya sa probinsya

nila at ang ina naman sa pagiging guro. Nang makaipon siya ay binilhan niya ng maliit na lupain ang

mga ito. Ang pagpapalago niyon ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng mga ito. Sa kasalukuyan ay

marami-rami na rin ang alagang manok, baka at baboy ng mga ito roon.

Nang muling mag-ring ang cell phone ni Lea ay tuluyan na siyang napaluha. Sa kabila ng lahat ay hindi

niya pa rin kayang tiisin si Jake. Bumitaw siya kay Timothy at mabilis na pinunasan ang mga luha. “I’m

really sorry, Tim. I have to go.”

“Nah, I told you, it’s okay. Mauna ka na. Magpapalipas na muna siguro ako ng ilang minuto rito.” Muling

ngumiti ang binata. “Take care, Lea.”

Tumayo na siya. “You, too, Tim.”

Patalikod na siya nang humabol pa ng salita ang binata. “Isn’t it tiring to always try to make ends meet?

Life is too short. You must not spend the rest of your life hurting. Pwede ka namang sumuko kapag

sobra na. Pwede mong sabihing tama na kapag hindi mo na kaya. ‘Yon lang. Pasensya na sa

pangingialam. Anyway, happy Valentine’s, architect.”

Natigilan si Lea. Ilang segundo siyang nakatayo lang roon bago niya napilit ihakbang ang para bang

nanigas na mga paa niya. Nang gabing iyon, may panibago siyang na-realize. The truth can hurt, but it

can also numb a person sometimes.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.