CHAPTER 26: Fake Evidence
(Lina) Masaya akong pumasok sa department habang may pagmamalaking tiningnan ang mga classmates ko. Kasama ko lang naman ang dalawang pinaka sikat at nangungunang pinaka mayaman sa bansa. Renz Dela Vega and Prince Del Fierro. Hinatid nila ako mismo rito sa department ko at hindi ko alam kung bakit. Nagulat nalang ako nilapitan ako ni Renz kanina and then maging si Prince. Siguro naisip isip nila na wala naman silang mapapala kay Patty at syempre totoo namang mas maganda ako sa kanya. Napangiti ako ng lihim, o baka naman nakita na nila ang envelope na naglalaman ng mga gawa gawa kong ibedensiya kuno I mean gawa gawa namin nila tita Janice na nagpapatunay na ako ang nawawalang kapatid ni Renz. Na ako ang nawawalang anak ng magasawang Kelly and Miguel Dela Vega.
Lihim nagbubunyi ang aking puso dahil sa nakitang reaction ni Patty kanina ng hindi siya lapitan ng dalawang binata at sa akin sumama. Matagal ko ng kinaiinggitan si Patty dahil nasa kanya na ang lahat. Noong una pure intention ang paglapit ko sa kanya. Nakikita ko kasi ang sarili ko kay Patty noon. Walang pumapansin at inuuri ng tingin ng mga tao mula ulo hanggang paa, kung baga hinuhusgahan agad ang pagkatao mo base sa nakikita nilang panlabas mo. Hindi kilala at walang sinasabi sa buhay. Simpleng mayaman ka lang at wala ka sa katiting ng buhay nila. Ngunit nag-iba iyon ng malaman ko ang tungkol sa kanya at sa nakaraan niya. Naiinggit ako lalo na ng makasundo niya ang lahat ng mga taga Zairin Department. Kakapasok niya lang wala pang isang buwan pero lahat ng mga Zairin boys natutuwa na sa kanya. Matalino kasi si Patty mana sa mga magulang pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang mapasaakin ang lahat ng nasa kanya habang hindi pa niya nalalaman ang lahat ng tungkol sa kanya. Matalino nga si Patty pagdating sa aralin ngunit bobo siya pagdating sa ganitong usapin.
Hindi alam ni Patty na pamangkin ako ng umampon sa kanya, sila tita Janice and tito Patrick. Dahil sa kanila nalaman ko ang lahat ng tungkol kay Patty. Doon nag-umpisa ang inggit ko sa kanya. Kaya naman gumawa ako ng paraan para mas mapalapit sa kanya. Isa rin naman ito sa utos nila tita. Kailangan kong i-report sa kanila ang lahat ng ginagawa ni Patty, lahat ng pinupuntahan at kung sino ang mga kausap niya.
I am a bitch, yeah I know. Kung mapapasaakin ang lahat ng nasa kanya wala na akong mahihiling pa. Umpisa pa lang ito, nag-uumpisa pa lang ako.
Nakangiting umupo ako sa upuan ko.
Nakita ko si Catherine Morgan, the queen bee na nakatingin sa'kin, nakatingin ng masama sa akin.
'Huh! As if I care and as if natatakot ako sa kanya.'
Nginisian ko siya at kitang kita ko kung paano mas naging masama ang tingin nito sa akin.
'Maldita ka lang dahil spoiled brat ka pero hindi mo kaya ang mga ginagawa ko. Such a loser!'
Tinaasan ko lamang siya ng kilay.
Ano kaya ang magiging reaction nila at ng lahat kapag lumabas ang balita na ako ang nawawalang kapatid ni Renz. That I am his twin sister. Na ako ang isa sa tagapagmana ng mga Dela Vega. Hindi na ako makapaghintay. Lihim nagbubunyi ang aking puso. Matutupad na ang isa sa mga pangarap ko.
(Renz)
I need to do this para sa pamilya ko. 'I am so sorry Patty.' Lihim kong sambit dahil panigurado nasaktan si Patty kanina. Ngunit ngayon nakangiti na ulit siya sa amin ni Prince. Itinatago niya ang totoong nararamdaman niya. "Anong susunod na plano tita?"
Rinig kong tanong ni Lina sa kausap nito sa kabilang linya.
Hindi ko na ikinagulat ang narinig. Una pa lang iba na ang kutod ko sa kaibigan ni Patty na si Lina/Cathalina and she even gave as a fake evidence. Hindi niya kami maloloko.
"Lance irecord mo ang mga pag-uusapan pa nila." bulong ko kay Lance na katabi ko.
Si Prince naman ay sumesenyas na huwag kaming maingay.
Tatlo kami dito nila Prince nasa garden kami kung saan naririto si Lina at may kausap sa cellphone. Nagtatago kami sa likod ng malalaking halaman na malapit kay Lina upang pasekretong sundan ito.
"You don't have to say it. I already recording it." pagsusungit na bulong rin nitong sagot.
Kahit kailan ang sungit nitong lalakeng ito. Wala rin naman siyang magagawa dahil nahuli namin siya ni Prince. Malaki ang atraso samin ni Lance. Niloko niya kami at naglihim siya.© NôvelDrama.Org - All rights reserved.
Nalaman kong secret agent siya at tauhan siya ni daddy Miguel. Matapos ang nangyare sa bahay kahapon, ng mawalan ng malay si Patty nagkagulo roon. Doon ko nakita si Lance na nagmamadaling lumabas rin ng office ni daddy. Nagulat ito maging si Dad ng makita ko ito roon.
Matapos namin maihatid si Patty sa hospital kahit ayaw namin siyang iwan kinailangan namin gawin iyon upang hindi kami makita ng mga magulang na umampon sa dalaga. May mga nakakagulat pa itong isiniwalat sa amin iyon ang dahilan kung bakit nawalan rin ng malay si mommy Kelly. Kaya naman kahit labag sa loob kong iwan si Patty hinayaan ko na lang upang hindi masira ang plano.
Hindi pa buo ang ibidensiya at iyon ang ginagawa namin ngayon. Ayaw man ni Lance na kasama kami wala siyang magagawa. Sa totoo lang hindi namin kaedad itong si Lance he is already graduated with a degree. Kaya lang naman pala siya pumasok rito upang mag man-man sa amin and so on. He is a secret agent. Astig diba.
"Hindi ka maniniwala tita Janice." masayang turan nito sa kausap.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
'Paano nila nagagawa ang mga ganitong bagay?'
"Yeah, naniniwala na ang mga Dela Vega at Del Fierro na baka ako ang nawawalang kapatid at nawawalang anak ng mga Dela Vega." nakangiting turan nito.
Napakuyom ako ng mga kamay. Hindi ko mapigilan na kumulo ang dugo sa sinasabi ng babaeng ito.
Hinawakan iyon ni Prince. Napalingon ako rito. Umiiling ito, alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Marami pa kaming dapat malaman at kailangan ko pang magpigil. Kung hindi nga lang din masamang manapak ng babae nabugbog ko na ito kasama ng mga tiya at tiyo nito mga wala yatang kaluluwa.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili.
"Yeah. I will do that. Ako pa ba tita. Babalitan ko na lang kayo sa susunod. Hmm, bye." ngiting ngiti nitong pinatay ang tawag saka umalis na sa garden.
"Mas kailangan natin ingatan ang galaw natin. Balik tayo sa basic. Unahin natin na mas mapaniwala si Lina na naniniwala tayo sa kanya." turan ni Prince.
"Hindi ko alam kung kaya ko pang magpanggap ngayong mas naririnig ko sa mismong bibig niya ang mga pinaplano nila." malungkot na sagot ko sa kawalan saka sumalampak sa damuhan.
"Kailangan mong tibayan ang loob mo. Masisira ang lahat ng pinaghirapan ng daddy mo para lang mahanap ang kapatid niyo." anito at hinawakan ako sa aking kaliwang balikat saka iyon tinapik tapik. "Yeah, I know."