Chapter 30: Kabanata 29
Chapter 30: Kabanata 29
Kabanata 29:
The Training
____________
Leewier
"I'm sorry, I'm late."
Agad kong naitulak si Hades nang marinig ko ang boses ni C sa bandang likuran ko. Nakasuot na siya
ng itim na short, itim na sando, at may pulang maskara.
Tinignan ko si Hades at nakita kong tumaas ang sulok ng kaniyang labi, nakita ko rin sa likod ni C si
Kuya Kaleb kaya napabusangot ako. Nandito na naman ang bakulaw na ‘yan.
"I can read your mind."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nakakainis na talaga siya ahhh! Kung hindi lang siya kapatid
ng Luna, matagal ko na siyang pinatay!
"E-ehm... H-hello?"
Sabay-sabay kaming napalingon kay ate Clarity nang magsalita siya. Awkward siyang humarap sa
amin habang naka-ngiwi. Nagkalingunan kaming tatlo at sabay-sabay na tumango.
Minwestra ni Kuya Kaleb na tumayo si Ate Clarity kaya sinunod niya iyon. Pumikit lang si C at maya-
maya ay may hawak na siyang frikse sa kaniyang kamay.
Nagulat kaming lahat ng paliparin niya iyon sa mismong mukha ni Ate Clarity kaya nagkaroon ng daplis
iyon, "C!"
Tumakbo si Kuya Kaleb papunta kay Ate Clarity. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at nilagay iyon
sa pisngi ni Ate Clarity upang maampat ang dugong lumalabas, "What's your problem C?!"
Naglakad-lakad si C habang may hawak na naman siyang frikse sa kamay niya. She throw it again to
Ate Clarity but this time, Kuya Kaleb use his own power to stop it from occuring, "Tama ang ginagawa
ni C."
Napalingon ako kay Hades dahil sa sinabi niya. Anong tama doon? Sinaktan niya ang Luna!
"Well, mukhang matatagalan pa tayong lahat para turuan siya. She doesn't even know how to use her
own reflexes. Paano kung may biglang umatake sa kanya sa bandang likod? She can't defend herself!"
I took a glance at Ate Clarity. Hawak-hawak niya ang kaniyang pisngi habang may luhang dumadaloy
sa pisngi niya, "You're too weak!"
Nagkalingunan kaming tatlo nila Hades at Kuya Kaleb. Kailangan naming iwan ang dalawang 'to. Mas
makakabuti na rin siguro para malapit si C sa kanyang kaibigan.
________________
C
Napalingon ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko ang tatlo na umalis na. Tumingin ulit ako kay Clarity
at tinanggal ko na ang suot kong maskara, "C-celine..."
Yes. I am Celine. The one and only bestfriend of Clarity.
I'm not mortal, and I'm happy because I'm not. Nautusan lang ako ng King para sundan si Clarity sa
mundo ng mga mortal. Kailangan kong bantayan ang bawat galaw niya.
I looked at my bestfriend. She's crying. Agad akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Siya
ang nararapat na makatuluyan ng alpha, hindi si Sarfie.
"W-why Celine? W-why?"
Napaikot nalang ako ng mata. Hindi oras ngayon ng paliwanagan at dramahan. I need to teach her
some skills. Basic skills.
"I don't have enough time to explain, Clarity. I need to train you so that you can fight back when Sarfie
attack you."
Tumango-tango lang siya sa sinabi ko. Umatras ako para makagawa na ako Wooden Blisk. Nang
iangat ko iyon sa ere ay kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.
Habang nasa tuktok ako ng Wooden Blisk ay kita kong nakatingala siya dito, "Come here, Clarity."
Rinig ko ang sigaw niya galing sa ibaba, "Hindi ko kaya."
Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Yeah yeah. You're so stupid Celine! Hindi pa
pala niya alam kung paano gawin iyon.
Nagbagsak ako ng munting glitters sa ibaba at sinentro ko iyon kung saan naka-pwesto si Clarity.
Nakita kong dahan-dahan siyang umangat sa ere kaya napangiti ako. Gotcha.
Nang maka-akyat siya dito ay muntik na siyang matumba pero agad ko naman siyang nasalo. Careless
talaga, "N-nahihilo ako." Content is © 2024 NôvelDrama.Org.
"Just relax."
Dahan-dahan siyang tumayo ng tuwid habang sapo-sapo ang sarili niyang ulo. Sinipa ko siya sa tiyan
niya kaya napahiga siya. Tsk.
"A-aray! C-celine... Ano bang---"
"Get up! Walang mangyayari kung dadakdak ka diyan."
Pinaulanan ko siya ng mga suntok at hindi niya nakuhang ilagan iyon kaya nagkaroon siya ng
maraming pasa, "T-tama na..."
"We're not yet done. Nag-uumpisa palang tayo."
Akmang sisipain ko ulit siya ng mahawakan niya ang paa ko. Kumunot ang noo ko ng itaas niya iyon at
ibinalibag ako sa kahoy. Damn.
"A-ayoko na Celine..."
"N-ngayon ka pa ba susuko kung kailangan nasaktan mo na ako?"
Nanlaki ang mata niya ng makita akong nakahiga sa sahig. Tutulungan na sana niya akong tumayo ng
sinalag ko ang mga kamay niya. I saw pain in her eyes.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at mataman siyang tinignan, "Wala akong balak saktan ka pero
kung kinakailangan iyon para masanay ka ay gagawin ko. You are my bestfriend and I don't want to
see you to get hurt by someone else that's why I'm doing this."
Tinignan ko ang reaksiyon niya pero nanatili iyong blangko. Wala kang makikitang emosyon.
"C-clarity..."
"Lets start. Teach me. Now."
Nagulat ako dahil sa paraan ng pagsalita niya. Malamig. Parang hindi si Clarity ang kausap ko ngayon.
I'm talking to the Luna.
Sinuntok niya ako sa mukha kaya nabalik ako sa katinuan. Napahawak ako sa pisngi ko kung saan
niya ako sinapak. Masakit. Parang bakal ang kamao niya.
"Lets play."
Ngumisi ako sa sinabi niya. Well, "Lets get it on."
____________
Leewier
"Ano na kayang ginagawa nila?"
"Manahimik ka nga bubwit."
Sinamaan ko ng tingin si Kuya Kaleb dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Hindi ko naman
kinakausap pero ang lakas maka-sabat!
"Kuya, 'wag mo naman siyang tawaging ganoon."
Tinignan ko si Hades dahil sa sinabi niya. Napatigil rin sa paggawa ng kemikal si Kuya Kaleb at
tinitigan ng masama si Hades.
"And so? Wala kang pake kung ano man ang itatawag ko kay Leewier."
"Yeah. I know. Pero alam mo namang naiinis siya sa paraan ng pagtawag mo sa kanya, diba?"
Nagsalit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Kung magbatuhan ng mga opinyon ay parang magkagalit
sila. Bago pa man sila mag-away ay binato ko sa kanila ang kemikal na ginagawa ni Kuya Kaleb.
"Aray!"
"Damn!"
Sabay silang napalingon sa akin at masama akong tinitigan. Bago pa man sila magsalita ay umalis na
ako doon, "Mga bwisit!"