As Long As My Heart Beats

Chapter 10



Chapter 10

“LUMIPAT si Ninong Martin ng bahay nang magising siya mula sa comatose. This place is actually half

an hour away from your original house.” Hindi na napansin ni Katerina ang mga sinabing iyon ni Andrei

habang nagmamaneho. She was too caught up by the wild thumping of her heart.

Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan… Pakiramdam niya ay muli siyang

bumabalik sa pagkabata habang papalapit nang papalapit patungo sa mga taong akala niya ay hindi

niya na mahahanap pa. Habang pinagmamasdan ang mga mayayabong na punong nadaraanan na

para bang kumakaway sa kanya ay paulit-ulit na tumutugtog sa kanyang isip ang kanyang paboritong

kanta na itinuro pa sa kanya ng mga madre sa orphanage na kanyang kinalakhan.

Nang sa wakas ay maabot na ng kanyang mga mata ang bahay na animo kastilyong nakatayo sa gitna

ng mga nagtataasang puno ay muling dinagsa ng kaba ang kanyang dibdib. Ika’y hanap sa tuwina

nitong pusong ikaw lamang ang saya…

Nang tuluyang huminto ang kotse ni Andrei ay napahugot siya nang ilang malalalim na hininga bago

niya tinanggap ang kamay ng binata na nakalahad sa kanya. Slowly, she stepped out of the car.

Bigla namang bumukas ang malaking pinto ng bahay. Mula roon ay lumabas ang isang matandang

lalaki. Nangilid kaagad ang kanyang mga luha. Ang mga mata nito, ang buhok, at ang ilong ay katulad

ng sa kanya. In an instant, she could tell who he was. Nakabukas ang mga braso nito habang

naglalakad papalapit sa kanya.

Sa ganda ng umaga, nangungulila sa ’yo sinta…

Nananakbong tinawid niya ang distansiya sa pagitan nila. Habang yakap niya ang ama, pakiramdam

niya ay siya ang alibughang anak sa kwento ng mga madre… na pagkalipas nang maraming mga taon

ay muling nagbabalik sa piling ng ama. When she felt his embrace, the warmest she had ever felt, she

knew that the vagabond in her would finally cease wandering around. May matutuluyan na siya.

At mali si Brett. Dahil hinanap siya ng kanyang ama, hindi siya nito sinukuan kahit sumuko na siya. Ang

pangyayari nang mga sandaling iyon ang patunay.

“Daddy…”

Narinig niya ang pagtangis nito. “I miss you so much, princess. P-patawarin mo sana ako, anak. Dahil

walang alam si Daddy sa fashion. Had I known about that industry years ago, sana nahanap na kita.

Sana hindi lang ako sa Pilipinas naghanap. Sana-“

Humigpit ang pagkakayakap ni Katerina sa ama. Napakatagal tagal niyang nangulila para isipin pa ang

panahon. “It doesn’t matter, Dad. You found me.”

NAG-UNAHAN sa pagtulo ang mga luha ni Katerina nang puntahan nila ng kanyang ama ang

sementeryo kung saan naroroon ang kanyang pamilya. Althea, iyon pala ang pangalan ng kanyang

ina. At mayroon pala siyang dalawang kapatid na lalaki na Lorenzo at Kyle ang mga pangalan.

“Ano’ng… ano’ng nangyari sa kanila?” basag ang boses na tanong niya. “Bakit sila… nandyan?”

Kaya pala panay ang hintay ni Katerina na may lumabas pa mula sa pinto pero wala na pala talagang

lalabas... dahil nasa ibang lugar na pala ang kanyang ina at mga kapatid, lugar na sa ngayon ay hindi

niya pa mararating.

“I’m so sorry, anak. But it was all because of me.” Namamaos ang boses na sagot ng kanyang ama.

“Hindi ko sila naprotektahan.” Inilahad nito sa kanya ang mga pangyayari noong mismong araw na

nag-celebrate siya ng kanyang ikalawang kaarawan, kasabay niyon ay ang unti-unting pagbigat ng

kanyang nararamdaman. “I failed your mother. I failed your brothers and I… I failed you, too. Patawarin

mo ako, anak. Hindi ko gustong magkalayo tayo.”

Napatayo si Katerina at napahawak sa kanyang sentido. Parang dam na tuloy-tuloy sa pag-agos ang

mga alaala na kanyang mga pinagdaanan. Muntik na siyang magahasa ng kanyang amain. Siguro,

kung hindi niya nakilala si Brett ay tumalon na siya sa tulay noong gabing iyon.

She had spent almost twenty-five years of her life wandering like a lost soul. Fate gave her no choice

but to go through all that. She had lost three people she was never given the chance to know… all

because of her father’s rival in politics.

Mahigpit na hinawakan ng kanyang ama ang palad niya. Nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata

nito. Dahil nakaupo sa damuhan ay lumuhod si Katerina para magpantay ang kanilang mga mukha.

Agony was visible in his handsome but weary face. Hinaplos niya ang mga hapis na pisngi nito.

“Ngayon pa lang kita nakita at nakasama pero ang puso ko, mahal na mahal ka na… kasi nakilala ka

na niya kaagad. Pero kasabay nang pagsibol ng pagmamahal na ‘yon ay ang sakit, minsanang sakit na

lahat, dulot ng mga nalaman ko.”

Tumulo ang kanyang mga luha. “Everything is too big for me to digest. Nang sabihin kasi ni Andrei na

may naghahanap sa akin, hindi ko alam na ikaw lang. But don’t get me wrong, Daddy.” Mabilis na

sinabi niya kasabay nang masuyong pagngiti. “I love you. And I’m glad I saw you. It’s just that…”

Malalim siyang napahinga. “I thought I would get to meet a family, a real one, my own.”

Tinitigan ni Katerina nang deretso sa mga mata ang ama. “Okay lang po ba kung aalis na muna ako? I

just need to breathe, Daddy. I need to digest everything I’ve heard. Gusto kong maramdaman ang tuwa

na nagkita na tayong dalawa at the same time, gusto kong magluksa nang mag-isa. I… I wanted to

mourn and take everything in and then, let go once and for all.” Nakikiusap na tinitigan niya ito. “Will

you let me do that, Daddy? Babalik rin ako sa ‘yo, pangako.”

Lumuluhang tumango ang ama. “Daddy has waited for you for so many years, baby. What’s a few

more days?” Halos pabulong na sagot nito. “Sige, umalis ka. Nandito lang ako, hihintayin kita.”

Ipinahatid siya ng kanyang ama kay Andrei. And her heart was yelling for a single name. There was

only one man in the world she wanted to be with, her Brett. Gusto niyang tumakas pansamantala sa

sakit na dulot ng katotohanan. At sa yakap nito, alam niya, sigurado siya, na makakatakas siya.

“THEY SAY misery loves company. Gusto ko sanang patunayan kung totoo nga ang kasabihang ‘yon.

‘Care to drink with me, handsome?” Mula sa pagkakayukyok sa wine glass ay iniangat ni Brett ang

mukha, paharap sa babaeng nagmamay-ari ng boses na iyon na naramdaman niyang naupo sa tabi

niya sa counter.

Ilang oras na siya roon. Dahil hindi niya mapilit ang sariling pagtuunan ng pansin ang trabaho ng

bagong manager na itinalaga niya sa branch ng Buddies’ sa Rizal ay hindi rin siya nagtagal roon. He

just kept messing around all day. Natawa siya nang mapait.

Pero sa pagbaling ni Brett ng mga mata sa babae ay ang mukha ni Katerina ang nakita niya. Mariing

naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha bago niya ibiniling-biling ang ulo. Sa muling pagdilat

niya ay ibang mukha na ang bumungad sa kanya. Naaalala niya na ang babae, ito ang agad na

ngumiti sa kanya pagpasok niya pa lang sa bar na iyon.

“So, care to drink with me?” Mapang-akit na tanong nito, kasabay niyon ay pinaglandas nito ang mga

daliri sa kanyang kamay paakyat sa kanyang braso. “Kahit kailan, hindi naging masarap ang maglasing

nang nag-iisa.”

Nagkibit-balikat si Brett pagkatapos ay itinaas ang kanyang wine glass. “Sure.”

Nang ngumiti ang babae, marahas na ipinilig niya ang ulo nang muling maalala si Katerina. He had to

put her out of his mind from now on. Mabuti na lang at nalaman niya na habang maaga pa ang totoong

pagkatao nito habang hindi pa siya nakakapag-invest nang mas malaking emosyon rito.

Hindi pa nga ba? Kung gano’n, bakit ka nandyan at nasasaktan ngayon? Besides, you wouldn’t have

proposed to her if you aren’t too invested in your relationship, you fool. Tuya ng kanyang isip. Dumiin

ang pagkakahawak niya sa wineglass. Damn it!

He could move on and he would prove it tonight. Sa naisip ay ibinalik niya ang tingin sa babaeng katabi

na kasalukuyang nakangiti pa rin sa kanya. Ibinaba niya ang wine glass na hawak pagkatapos ay

ginantihan niya ang ngiti ng babae kasabay nang paghapit sa makipot na baywang nito. “Do you know

what else misery loves?”

Inilapit pa nito nang husto ang sarili sa kanya. “What?”

“This.” Sagot niya at hinagkan ito sa mga labi.

NAGSALUBONG ang mga kilay ni Katerina nang manatili pa ring out of coverage area ang cell phone

ni Brett matapos nang ilang beses na pag-dial niya sa contact number nito. Siguradong masama pa rin

ang loob sa kanya ng binata. Ang numero naman ng kaibigan nitong si Luis ang sumunod na

tinawagan niya.

“Kate, finally, you called! Tatawagan na sana kita kung hindi ka pa nauna.” Agad na pinagtakhan niya

ang narinig na urgency sa boses ng lalaki. Bago niya pa man magawang makapagtanong ay mabilis

na nagsalita na ito. “Brett is a mess right now! Hindi ko lang maiwan ‘tong resto para puntahan siya

pero may kakilala ako na nakapagsabi sa akin na kanina pa raw niya nakita si Brett sa isang bar, and

he’s drinking his heart out.” bumuntong-hininga ito. “My bestfriend may be an ogre but he never drinks,

Kate. Baka sakaling alam mo kung ano’ng problema?” Alanganin pang tanong nito.

Sumasakit ang ulong hinilot-hilot niya iyon sandali bago siya sumagot. “Nasaang bar daw ba si Brett?”

Ramdam ni Katerina ang pagbaling ng mga mata sa kanya ng kasama niya pa ring si Andrei nang mga

sandaling iyon. Nagpumilit itong samahan pa rin siya hanggang sa magkita na raw sila ng boyfriend

niya, ayon na rin sa bilin rito ng kanyang ama.

Matapos ituro ni Luis ang eksaktong kinaroroonan ng kaibigan nito ay binalingan niya ang kasama na

tahimik lang na nakatingin sa kanya. Sinabi niya rito ang address ng bar.

Pumalatak si Andrei bago iminaniobra ang sasakyan. “What a pain in the ass. Naglasing siya agad

nang hindi man lang kayo nakakapag-usap? Nagsinungaling ka, oo, pero sana nakipag-usap na muna

siya sa ’yo ulit at nilinaw ang totoo.”

Napapagod na sumandal siya sa back rest ng upuan. “Brett has… trust issues.”

“But you have your own issues too, Kate.”

Hindi na siya kumibo pa. Nang makarating na sila sa bar ay hindi niya na hinintay pang ipagbukas siya

nito ng pinto ng kotse. Maagap na siyang bumaba at pumasok sa bar. Mabilis naman itong nakasunod

sa kanya. Pero nang naroon na sila, hindi niya alam kung bakit bigla siyang inatake ng tensiyon sa

dibdib.

Naramdaman niya ang pagpatong ni Andrei ng kamay nito sa kanyang balikat. “Don’t worry, I know

him. Nakita ko na siya minsan. Ako na lang ang maghahanap sa kanya.”

Napasulyap siya sa mga customer roon na halos puro magkakapareha habang sumasayaw nang mga

sandaling iyon. Inatake siya ng insecurities. “Brett is alone, right? I… I don’t want to see him with

another girl, Drei. Hindi ko kaya.”

Natahimik si Andrei at nanatili lang na nagmamasid sa paligid habang siya naman, kahit nahihilo pa rin

sanhi ng matinding pagod sa biyahe ay sinikap niya pa ring ilibot ang mga mata sa kabuuan ng lugar

para hanapin ang kanyang boyfriend. But the lights there were making her feel more dizzy.

Mayamaya, nasorpresa si Katerina nang biglang takpan ni Andrei ng mga palad nito ang kanyang mga

mata. “Ako na lang ang titingin sa mga bagay na ayaw mong makita para hindi ka na masaktan pa.”

Napasinghap siya. “Ibig mo bang sabihin ay-“

“Yes to all your possible questions, Kate.”

KAAGAD na inalis ni Katerina ang mga kamay ni Andrei sa kanyang mga mata. Iniwan niya ito at pinilit

hagilapin mag-isa si Brett. Natulos siya sa kinatatayuan nang hindi kalayuan sa kanya ay nakita niya

ang hinahanap… na kasalukuyang abala sa pakikipaghalikan sa ibang babae sa counter.

Nakagat niya nang mariin ang labi. God, when will her pain stop? She wanted to be with no other man

than Brett because she was hoping that she could regain her strength the moment she sees him. Contentt bel0ngs to N0ve/lDrâ/ma.O(r)g!

Because he was her hope, he was her love, he was all the positive things in the world for her despite

his never-ending insecurities after what happened to his parents. Si Brett ang tagapagligtas niya at

umaasa siyang maililigtas siya nito uli sa kalungkutan at sakit na nararamdaman niya sa gabing iyon-

gaya nang dati.

Pero huli na. Dahil ramdam na ramdam niya ang tuluyang pagbigay ng puso niya. Sa loob nang ilang

sandali, gusto niyang magpakaduwag na lang at tumakas na naman uli. Pero parang may sariling isip

ang mga paa niyang naglakad pa patungo kay Brett. Hinawakan niya ito sa balikat.

“Thanks, but no thanks, Miss. Hindi na ako interesado. Okay na ako sa kasama ko.”

“’Wag kang mag-alala.” Umaantak ang kaloobang sagot ni Katerina. “Hindi naman ako basta ibang

babae lang, Brett. Last time I checked, I’m still your fiancée.”

Gulat na bumitaw si Brett sa yakap nitong babae. Nagmamadali namang tumalilis ang huli. Sa

pagharap sa kanya ng binata, hindi niya napigilan ang malakas na pag-igkas ng palad niya sa pisngi

nito. “Gusto mong manatili ako sa tabi mo. You expect me to be loyal and all, but haven’t you realized

that you are being unfair to me because you are not doing the same thing?”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.