Chapter 1
Chapter 1
“SMILE, BRETT. ‘Wag ka ditong manlapa ng tao, utang-na-loob. Kasal ko ‘to.”
Inignora ni Brett ang sinabing iyon ng kasosyo niya sa negosyo at best friend na si Luis. Naiinip na
napasulyap siya sa kanyang wristwatch. Dalawang oras at tatlumpu’t minuto na siyang nagtitiyagang
nakaupo sa isa sa mga mesa roon sa reception. Kahit pa gusto niya sanang tuparin ang ipinangako sa
kaibigan na manatili roon hanggang tatlong oras ay hindi niya na talaga kayang magtagal pa. Luis had
always been aware that he was allergic to weddings.
Kumuha si Brett ng wine glass mula sa tray ng isa sa mga nagdaang waiter pagkatapos ay sinulyapan
ang kaibigan. “Luis, pare, you are the best buddy I’ve ever had but please understand that I really can’t
stay here longer.” Tumayo na siya. “You know how much I’m against to…” Umiling siya at hindi na
itinuloy pa ang sasabihin.
Bumuntong-hininga si Luis. “Hindi lahat ng love story ay katulad ng love story ng mga magulang mo,
pare.” Dumako ang mga mata nito sa direksiyon ng ngayon ay asawa na nito na si Sarah na
kasalukuyang abala rin sa pakikipag-usap sa in-laws nito. Pagkaraan nang ilang sandali ay sumilay
ang masayang ngiti sa mga labi nito. “Masarap ang magmahal. Ayaw mo lang kasing subukan.”
“Para saan pa? Ayokong maging katulad ni Papa.” Tumigas ang anyo ni Brett. “He fell in love and
believed in that fairy tale crap and ended up eight feet below the freaking ground.” Sa hindi niya na
mabilang na pagkakataon ay muling sumagi sa isip niya ang nakitang duguang anyo ng kanyang ama
sa ospital labing tatlong taon na ang nakararaan. Muling nanumbalik ang galit niya para sa ina.
Sunud-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan niya para kalmahin ang sarili. “I’m sorry,
man. I’m happy for you and Sarah but I just can’t stand these things. This remind me of people I
wanted so badly to forget. I really have to go now.”
Tinapik niya si Luis sa balikat. Para namang nakakaunawang tumango ang kaibigan niya.
Nagmamadaling lumabas na siya sa hotel pagkatapos ay hinubad ang kanyang itim na coat at
binuksan ang unang tatlong butones ng suot na long sleeved.
Sa simbahan pa lang ay para na siyang sinasakal habang nagpapalitan ng pangako sa isa’t isa ang
mga ikinakasal. Pigilan niya man ay pumapasok pa rin sa isip niya ang kanyang mga magulang sa
pamamagitan mga ito.
Noong bata pa si Brett, naalala niyang paulit-ulit na inire-recite ng dalawa sa isa’t isa ang mga pangako
ng mga ito noong ikinasal. Naalala niya pati na ang inakala niyang puno ng pagmamahal na sulyap ng
mga ito sa isa’t isa… He breathed sharply.
Nang makarating sa kinapaparadahan ng kanyang kotse, nagmamadali siyang sumakay doon at
pinaharurot iyon palayo. Nag-drive siya papunta sa sementeryo kahit pa alas tres y medya na ng
hapon.
Sa katirikan ng araw ay nilandas ni Brett ang daan patungo sa puntod ng kanyang ama katulad ng
nakagawian niya sa nakalipas na mga taon. Nang makarating doon ay naupo siya sa Bermuda grass
pagkatapos ay mariin niyang ipinikit ang mga mata.
“To have and to h-hold, in sickness and in health, till death do we part…” parang sirang plaka na muling
naglaro sa isip niya ang halos pabulong na sinabi na iyon ng kanyang ama habang lumuluhang
nakatitig sa noon ay matigas na anyo ng kanyang ina. “Nakalimutan mo na ba ang lahat ng iyon,
Almira?”
Kinakapos ang hiningang dumilat siya. Naghuhumiyaw sa hapdi ang mga sugat na kay tagal na ring
nananahan sa kanyang dibdib. God… how he wished the world could care. How he wished his mother
played it fair.
“KAKULAY NG LANGIT, Buddies’ ang pangalan, dalawang palapag… check.”
Unti-unting sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Katerina ng makumpirmang ang
pinagmamasdang restaurant nga ang hinahanap niya. Dahil tumutugma ang lahat ng mga description
na ibinigay sa kanya ng kanyang manager na si Elaine patungkol sa lugar.
Matapos makahanap nang mapagpaparadahan ng kanyang kotse, para bang may pakpak ang mga
pang pumasok siya sa restaurant. Excited siyang dumeretso sa counter. “Excuse me. Nasa loob ba si
Brett Santillan?”
Kumunot ang noo ng babaeng napagtanungan ni Katerina na nagngangalang Margie, ayon na rin sa
suot nitong name plate. “Lumabas po siya saglit, ma’am. Kaanu-ano po ba kayo ni sir Brett?”
Ngumiti siya. “Kaibigan.”
Para naman nasorpresang nilingon ni Margie ang kasama nito na tila nakikinig rin sa kanila. “May
kaibigan pa pala si sir Brett maliban kay sir Luis? Paano nangyari ‘yon?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Katerina. “Oo naman. He even saved my life many years ago. Brett is
actually my savior.”
“Brett Santillan is a grouchy, terrifying handsome ogre but never a savior, Miss.” Hindi napigilang sabad
ng katabi ni Margie na si Dianne.
Amused na napangiti na siya. “Kung makapagsalita naman kayo parang-“
“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga empleyadong nakikipaghuntahan during working hours.
Kaninong bisita ang babaeng ito?”
Kumabog ang dibdib ni Katerina sa narinig na pamilyar na boses na iyon. Kahit mahina lang iyon at
mariin nang mga sandaling iyon ay walang dudang iyon pa rin ang boses ng lalaking hinahanap niya.
Dahan-dahan siyang humarap sa bagong dating. Nang sa wakas ay masilayan niya si Brett, agad na
nangilid ang kanyang mga luha. Sa isang iglap, pakiramdam niya ay nanumbalik siya sa nakaraaan, sa
nakaraang walang araw na hindi niya binabalik-balikan…
“TAGU-TAGUAN, maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang ko ng tatlo, dapat
nakatago ka na. Isa…”
Napalunok si Katerina. Kahit nanginginig pa ang mga tuhod dala ng labis na takot ay nagtuloy-tuloy pa
rin siya sa mabilis na pagbaba sa hagdan nang marinig niya ang malakas na pagsigaw na iyon ng
kanyang step father na si Anton mula sa kwarto niya.
“Dalawa…”
Muntik nang magkabisala ang kanyang mga paa dahil para bang napakalapit na lang ng boses na iyon
sa kanya. Sa murang edad na trese ay alam niyang kaya nagkakaganoon ang kanyang stepfather ay
dahil sa impluwensiya ng droga. Mula nang mamatay sa sakit na kidney cancer ang kinalakhan niyang
ina na si Cecilia na siyang asawa nito mahigit isang buwan na ang nakararaan ay naging ganoon na
ito.
Madalas niya nang napapansin ang mga kakaibang tingin ng kanyang stepfather sa kanya noong libing
pa lang ng kanyang ina kaya madalas ay umiiwas siya rito. Pagdating nito sa kanilang bahay ay inila-
lock niya na ang pinto ng kanyang maliit na kwarto pero kakaiba ang gabing iyon. Dahil nagising na
lang siya na nakadagan na ito sa kanya at ibinababa na ang pajama na suot niya. Mabuti na lang at sa
kabila ng matinding nerbiyos ay nanaig pa rin ang lohikal na bahagi ng isip niya. Dahil nagawa niya
itong tuhurin sa maselang bahagi ng katawan kaya pansamantala siyang makatakas rito.
“Tatlo!”
Napatili si Katerina nang sa tuluyang pagbaba niya sa hagdan ay may mga kamay na bigla na lang
sumabunot sa kanyang mahabang buhok. Kahit halos mapaluha sa matinding kirot ay sinikap niyang
humarap sa amain at tinuhod ito uli. Nang napahiyaw ito sa sakit, nagmamadali nang dumeretso siya
sa pinto at binuksan iyon. Nagpatuloy siya sa matuling pagtakbo kahit wala siyang siguradong
patutunguhan.
Nang makarating siya sa tulay, saka lang siya huminto. Halos wala nang katao-tao doon dahil dis oras
na ng gabi. Hysterical na nagsisigaw siya roon. “Inay! Bakit mo naman ako iniwan agad? Hindi ka na
naawa sa akin! Iniwan na nga ako ng mga magulang ko, pati ba naman ikaw?”
Nagsisikip ang dibdib na napaluha si Katerina. Marahil daw ay dalawang taon ang edad niya nang
matagpuan siya ng ina sa gate ng kanlungan ng mga madre isang hating gabi habang pauwi ito mula
sa trabaho. Ayon dito, nagtanong-tanong ito tungkol sa kanya sa mga kalapit na lugar pero nang
walang makakilala sa sa kanya, tuluyan na siyang kinupkop nito dahil wala rin naman daw itong
kakayahang magkaroon ng anak. Kahit hirap din sa buhay dahil sa maliit na salon lang ito
nagtatrabaho ay pinagsumikapan siya nitong mapag-aral.
Lumipat na sila pagkalipas ng anim na taon noong magkaroon ito ng asawa. Minahal siya ng ina-
inahan na parang tunay na anak kaya hindi niya alam kung paano na siya ngayong wala na ito.
Nahinto na siya sa pag-aaral sa highschool. Ang kakarampot na perang naiwan ng ina ay ipinatalo lang
sa sugal ng kanyang amain. Ang natitira na lang sa kanya ngayon ay ang kanyang ginintuang kwintas
na may hugis bilog na pendant at sa gitna ay may dalawang letrang nakaukit na EM na suot niya na
nang matagpuan siya. Pero dahil sa musmos pang edad ay wala siyang maalala.
Muling pumatak ang kanyang mga luha. Maniniwala pa ba siyang makakatulong ang kanyang kwintas
para mahanap siya ng kanyang mga tunay na magulang? Pero mahigit isang dekada na ang lumipas,
aasa pa ba siya?
Napailing siya. Wala na siyang mauuwian. Wala na siyang mapupuntahan. Isinampa niya na ang isang
binti sa pasimano ng tulay. “Sasama na lang ako sa inyo, ‘Nay. Hindi ko na kaya.”
“I WON’T do that if I were you.”
Napasinghap si Katerina sa baritonong boses na na narinig. Paglingon niya, may matangkad na
lalaking naglalakad palapit sa kanya. Nakapaloob ang mga kamay nito sa bulsa ng suot na maong na
jacket. Sa liwanag na mula sa poste ng ilaw ay malinaw niyang nabistahan ang anyo nito. Clean cut
ang buhok ng estranghero, makakapal ang mga kilay, nakangiti ang kasing dilim ng gabi nitong mga
mata na pinarisan ng mga pilik na para bang mas malalantik pa kaysa sa kanya, matangos ang ilong at
nakangiti rin ang pinkish na mga labi.
“Mahirap talaga ang mabuhay. Living in this sometimes crazy world requires courage.”
“Pero hindi naman kasi ako matapang.” Mahinang sinabi niya. Kahit paano, naiintindihan niya naman
ang sinabi nito dahil valedictorian siya nang magtapos ng elementary. At isa ang English sa favorite
subject niya.
“Alam mo bang nineteenth birthday ko ngayon?” Imbes ay sagot nito. “Pinangakuan ako ni Papa na
magce-celebrate kami pagdating ko from school. Pero pag-uwi ko, no one was there. Nainip na akong
maghintay kaya lumabas na muna ako.” Nagkibit-balikat ito. “Last night, nahuli ng kaibigan ko si Mama
na nakikipag-date sa iba. You see, on the rocks na ang pagsasama ng parents ko. At nasasaktan ako.”
“Then jump with me. Tutal, malungkot rin pala ang buhay mo.”
Umiling ang estranghero. “No, I still have hope.” Inangat nito ang isang palad sa kanya. “Come. Kung
susukuan mo ngayon ang buhay, paano mo malalaman na sa kabila ng hirap, maganda pa rin pala ang
mundo? Don’t quit on life, let it voluntarily quit on you.”
Namasa ang mga mata ni Katerina. “Pero wala na kasi akong mapupuntahan. Wala na akong pamilya.
Wala rin akong kapera-pera.”
Kumunot ang noo niya nang ilabas ng estranghero ang may kalumaan nang wallet nito. Kitang-kita
niya ang tatatlong daan na lang na laman niyon. Inabot nito iyon lahat sa kanya kasama ang isang asul
na rosary.
“Pasensiya ka na, ito na lang talaga ang pera ko. Baon ko pa ‘yan sa mga susunod na araw pero sa
’yo na lang. I hope it can help somehow. ‘Yung rosary, itago mo. Bigay pa ‘yan sa akin ng Lola ko.
Iingatan ka niyan.” Ngumiti ang estranghero. “Wala ka na palang pamilya. Lugi ka kapag nag-suicide
ka. Find people who will cry for you first and then decide later on if you’d still want to die.”
Nang mga sandaling iyon, hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya nang tanggapin niya ang
nakalahad na palad ng estranghero. Tuluyan na siyang umalis mula sa pagkakasampa sa tulay.
Habang nakatitig siya sa mga mga mata nito, pakiramdam niya ay napuno ng pag-asa ang puso niya.
Kahit nahihiya, tinanggap niya ang pera at rosary dahil kung gugustuhin niyang mabuhay ay
kakailanganin niya ang mga iyon.
“Paano? Aalis na ako. Baka may madatnan na ako sa bahay.”
Tumalikod na ang estranghero sa kanya. Mayamaya ay malakas na pumito si Katerina nang may
malimutan. Lumingon ito. “What?”
“A-anong pangalan mo?”
“Brett. Brett Santillan.”
“Happy birthday, Brett. At maraming salamat.” Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang yumao ang
inay niya ay ngumiti siya. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng kakampi… kahit sa maikling oras
lang. “Ako naman si Katerina. Katerina Alvarez.”
“Nice meeting you.” Napatingin ang estranghero sa relo nito. “But I really have to go now. Mag-iingat
ka… Katerina.” Sinaluduhan pa siya nito bago ito nananakbong umalis.
“Brett Santillan…” Naibulong niya habang pinagmamasdan ang unti-unti nitong paglaho sa kanyang
paningin. “Isang araw, magkikita tayo ulit… hanggang sa muli.”
“Kaya napagkakamalang slow madalas ang mga tao, eh.” Nahinto siya sa pagbabalik-tanaw nang
marinig ang nang-iinsultong boses ng kaharap. “Sinisenyasan mo na, parang batang nakamaang lang
na tutunganga pa sa ’yo. Kung ‘di ka rin lang o-order, then get the hell out of my sight, Miss. Ayoko sa
mga taong hindi nakakatulong sa paglago sa negosyo ko.”
Napasinghap si Katerina.
SA ILANG SANDALI ay ginustong pagdudahan ni Katerina ang lalaking kaharap. Brusko at antipatiko
ito, malayong-malayo sa ugali ng gwapong binatilyo na nagligtas at bumago sa kanyang buhay noon.
Pero mayamaya lang ay naipilig niya ang ulo.
Mas tumangkad man ang lalaki at mas lumaki man ang pangangatawan ay walang dudang ito pa rin
ang lalaking hinahanap ni Katerina. Nag-matured lang ang anyo nito. Wala man siyang makita kahit na
katiting na emosyon sa mga mata nito, nakasisiguro siyang ang mga matang iyon pa rin ang naghatid
sa kanya ng pag-asa noon. Walang kangiti-ngiti ang mga maninipis at mapupulang mga labi nito,
kabaliktaran nang naaalala niya.
Kumunot ang noo ni Katerina. Anong nangyari kay Brett?
“Is that how you treat your possible customers?” Kalmado pa ring sagot niya mayamaya. “Paano pala
kung o-order ako?”
“’Edi magso-sorry ako.” Tumaas ang sulok ng mga labi ni Brett. “So… o-order ka ba?”
“Hindi.” Inalis niya ang suot na dark glasses. “Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako si Katerina.
Katerina Alvarez.”
Sa isang iglap, nakita niya ang pagdaan ng recognition sa mga mata ni Brett pero mabilis din iyong
naglaho. “I don’t really give a damn if you are Katerina Alvarez or Janet Lim Napoles. Take my advice.
Get out of here.”
HINDI NAKALIGTAS kay Brett ang pagbalatay ng matinding pagkagulat sa kulay dagat na mga mata ni
Katerina. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya ito naaalala. Dahil ito lang ang nag-
iisang babaeng nakapukaw ng interes niya labing-tatlong taon na ang nakararaan.
It was not every day that he would witness a girl, ready to jump off the bridge with a face like hers.
Mukha itong naliligaw na prinsesa nang gabing iyon na nagtatago lang sa kupas na dilaw na sando at
puting pajama. Katerina’s face was a work of art. Mula sa perpektong mga kilay nito, asul na deep-set
na mga mata na binagayan ng mga mahahabang pilik, matangos na ilong at mapipintog na mga labing
natural na mapupula. Nakakulong ang mukha nito sa mahaba at makintab na tuwid na tuwid na buhok
nitong hanggang baywang.
Halos hindi pa rin nagbago ang anyo ni Katerina, maliban sa lampas-balikat na lang na buhok nito
ngayon. Pero hindi maikakailang mas gumanda ito. Walang mag-aakalang minsa ay tinangka nitong
kitilin ang sariling buhay.
Nakasuot ng simpleng lilac na bestida lang si Katerina na nagpalitaw sa malaporselanang balat nito,
hanggang tuhod lang ang haba niyon kaya pansinin ang mga mahahaba at makikinis nitong biyas. At
that very moment, she looked every inch a model out to endorse a dress in a very effortless way.
“Isa ka sa dadalawang rason kung bakit bumalik ako sa ‘Pinas.” Mahinang sinabi nito mayamaya.
“Kaya ‘wag mo naman sana akong palayasin agad. I… I just want to check out on the boy who tried to
help me when he was helpless himself.”
Mapait siyang napangiti. Walang dudang naging maganda ang buhay ni Katerina sa nakalipas na mga
taon, kabaliktaran nang sa kanya. Buhay na buhay at puno ng pag-asa ang mga mata nito, pag-asang
baon niya rin sa puso niya noong unang beses na nagkita sila na sa isang iglap ay tinangay papalayo
ng kanyang ina.
Nagtagis ang mga bagang ni Brett sa naisip. Katerina was a painful reminder of his shattered dreams,
of how he had hoped and how crazy he had been for believing in stupid things.
“Umalis ka na.” Mariing sinabi niya bago niya ito tinalikuran at dumeretso sa kanyang opisina.
Kung susukuan mo ngayon ang buhay, paano mo malalaman na sa kabila ng hirap, maganda pa rin
pala ang mundo? Sarkastikong natawa si Brett nang maalala ang mga binitiwang salita noon kay
Katerina.
Magandang mundo? My ass.
ILANG SAGLIT na natulala si Katerina bago siya tuluyang nakahuma. Napasulyap siya sa nakasarang
na ngayong pinto na pinasukan ni Brett na sa palagay niya ay ang nagsisilbing opisina nito. Their
situation was reversed!
Habang nakatitig siya sa mga mata ni Brett kanina, para siyang nakatitig sa sariling reflection niya
noong trese anyos siya. There was this undeniable darkness in his aura and the extreme hopelessless
in his voice whenever he talks.
He seemed to be in the same place that she was in thirteen years ago but how on Earth could that
happen? Hindi ba at si Brett pa nga ang tumulong at nagpatakas sa kanya palayo sa lugar na iyon?
What happened to you, Brett?
Dahil sa lalaki, ginusto niyang mabuhay dahil sa murang edad ay hinangad niyang matuklasan ang
magandang mundong sinabi nito. Nagsikap siya. Pinagyaman niya ang sarili. Ginamit niya ang perang
ibinigay nito sa kanya. Sa kalagitnaan ng gabi ay nakipagsapalaran siya. Nagbiyahe siya at nagtanong-
tanong sa driver ng jeep na sinakyan niya patungo sa bahay-ampunan. Sinuwerte naman siya dahil
may alam itong ganoong lugar na ilang oras rin ang layo mula sa dating bahay na kanyang tinirhan.
Ginambala niya ang mga madre sa ilang beses na pag-doorbell sa tinutuluyan ng mga ito at doon na
nagsimulang magbago ang kanyang buhay. Kinupkop siya ng mga madre. Pinalad rin siyang
makapag-aral mula sa scholarship program ng isa sa mga mayayamang sponsor ng ampunan.
Nakapagtapos siya ng Mass Communication nang may karangalan. Pero nakilala niya si Elaine
habang nagti-training siya sa isang Network Company. Isa itong talent scout at inalok siyang maging
modelo na hindi niya naman pinalampas pa dahil sa kagustuhang kumita nang malaki para
maipahanap ang tunay na mga magulang at para makitang muli si Brett… at may maipagmalaki rito.
Gusto niyang isipin nitong hindi nasayang ang pagtulong nito noon sa kanya.
Isa na siyang international model ngayon. Nakarating na siya sa iba’t ibang panig ng mundo pero NôvelDrama.Org content.
madalas, naroroon pa rin ang kahungkagan sa kanyang dibdib. Sa mga unang taon niya bilang
modelo, nag-hire siya ng private investigator para tulungan siya sa paghahanap sa kanyang mga
magulang pero nabigo siya. Dahil kwintas lang ang tanging pinanghahawakan niya bukod doon,
nasunog na ang kanlungan kung saan siya natagpuan ng kanyang nanay-nanayan.
Magdadalawang taon na rin mula nang tuluyan niya nang sukuan ang paghahanap. Kaya ngayong
binigyan siya ng anim na buwan na bakasyon ng manager niyang si Elaine bago siya muling pumirma
ng panibagong kontrata, ginusto niyang ibuhos na lang sa pagtulong sa mga kapwa niya orphan sa
kinalakhan niyang ampunan at sa paghahanap kay Brett ang kanyang panahon.
Ngayon ay gustong pagsisihan ni Katerina na hindi niya agad hinanap ang binata. Sana ay noon niya
pa nalaman ang naging sitwasyon nito.
Nahinto siya mula sa malalim na pag-iisip nang masilaw siya sa pag-flash ng camera. Paglingon niya
sa counter ay nahuli niyang kinukuhanan siya ng litrato ni Margie pagkatapos ay nagmamadaling
lumabas ito mula roon at maagap na lumapit sa kanya. “Kayo po si Kate Alvarez, ‘di ba? Iyong
international model? Naku, fan nyo po ako!”
Katerina was about to smile back, nang mapukaw ang atensiyon niya ng isang papalabas na waiter na
may dalang katamtamang laking tarpaulin na may nakasaad na, “Wanted: Female pianist.”
Hinarang niya ang waiter at kinuha mula rito ang hawak nito. “Wag mo nang ipaskil ‘to.”
Kumunot ang noo ng lalaki. “Bakit, may kakilala po ba kayo, ma’am? Six months reliever lang po ang
kailangan namin dahil nasa maternity leave ang resident pianist namin. Araw-araw po siyang
tumutugtog rito at hinahanap na po siya ng customers.”
Ngumiti si Katerina. Mabuti na lang pala at nakapagpaturo siyang tumugtog ng piano sa kaklase niya
noong kolehiyo. Ang pagtugtog din ang naging libangan nila ng manager niya tuwing day-off niya. “The
pianist is just right in front of you.”
“Pero Miss Kate, magtatrabaho po kayo under sir Brett. Nakita nyo naman po kung gaano siya
kabangis. Nagtitiyaga na nga lang po kami dito dahil maganda ang pasweldo.” sabad ni Margie. “Pero
kayo po, sa ganda nyong ‘yan, hindi nyo na kailangang magtiyaga pa. He’s an ogre.”
Iyon nga ang dahilan kung bakit gusto kong magtrabaho rito. Gusto niyang sa pagkakataong iyon ay
siya naman ang makatulong kay Brett. Tutuklasin niya kung ano ang nangyari rito at tutulungan niya
ito, makabawi man lang sa utang-na-loob niya rito.
Kinindatan ni Katerina si Margie. “To beat the ogre, you have to be the ogress.”